2016 is a busy concert year for Star Magic Artists

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/28/2016 1:01 AM
2016 is a busy concert year for Star Magic Artists


122716-Yearend_Push.jpgNaging busy ang ilang Star Magic Artists sa concert scene at live shows ngayong 2016 at ang mga ito ang malaking contribuion sa pagbuhay ng local concerts ngayong taon.

First time nag solo concert ni Kim Chiu sa The FUNtasy concert na naganap sa Kia Theater bilang regalo sa kanyang fans sa unang dekada niya sa showbiz. Nagkaroon din ng solo concert dito si Xian Lim na solo concert na A Date With Xian Lim na naganap noong July9.

Sa kaparehong venue nagkaroon din ng concert ang bagong Kapamilya na si Jona sa Queen of the Night concert kasama ang kanyang idolo na si Songbird Regine Velasquez bioang espesyal na bisita kasama rin si Jed Madela.

Sa Kanyang hometown sa Cebu naganap ang solo concert ni Matteo Guidicelli na may pamagat na Matteo Made In Cebu na para rin sa kanyang isa sampung taon sa showbiz.

Naging busy ang 2016 para kay Hashtag Ronnie Alonte dahil bukod sa dalawa niyang MMFF movies, nagkaroon din siya ng solo show na may title na Kilig King na nagkaroon din ng concert kasama ang buong Hastags sa The RoadTrip Concert noong September 24.

Kasama naman nina Martin Nievera at Regine Velasquez sa hit valentine concert na The Royals sina Angeline Quinto at Eric Santos.

Napuno rin ang Smart Araneta Coliseum sa Divas Live concert kasama naman ni Angeline sina KZ, Yeng at Kyla.

Nagkaroon din ng kani kanilang solo concerts sina Darren Espanto at Maja Salvador.

Sa taon ding ito nagsimula ang online digital concert na pinasimulan nina Yeng Constantino at Ylona Garcia.