• Home
  • Fresh Scoops
  • Producers of “Saving Sally” ask netizens to ‘save’ their film

Producers of “Saving Sally” ask netizens to ‘save’ their film

Some cinemas allegedly did not include “Saving Sally” in their Metro Manila Film Festival line up.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/26/2016 8:01 AM
Producers of “Saving Sally” ask netizens to ‘save’ their film


122616-SavingSally.jpgKasabay ng pag uumpisa ng 2016 Metro Manila Film Festival nitong December 25, mainit din ang panawagan ng isa sa mga pelikulang kalahok dito, ang animated love story na “Saving Sally,” kung saan hindi umano sila ipinalabas sa ilang piling sinehan.

Dahil dito humingi ng suporta ang grupo ng naturang pelikula at nanawagan upang ipalabas sila sa mga sinehan na hindi umano sila isinali.

Sa pamamagitan ng isang social media post, sinabi ng produksyon ng “Saving Sally” na tulungan sila na ikampanya ang kanilang pelikula na ipalabas sila sa ilang sinehan na wala sila sa line up ng MMFF.

"We are sad and lost as to why some cinemas won't show us. Rest assured that we are taking steps to improve the situation. Please help us make noise and reach out to these malls. Call them or text them, let your voices be heard! Use #ShowSavingSally and #ImSavingSally hashtags.

"We need your help getting in touch with these theater owners. In the comment section put [CITY - CINEMA/MALL - CONTACT DETAILS] and we will update this post."


 Sa huli umaasa ang produksyon ng “Saving Sally” na mas marami pang mga Pilipino ang makapanuod ng kanilang pelikula.