• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Chris Martinez on the lead stars of Extra Service: ‘Yung action na ginawa nila dito matindi

Director Chris Martinez on the lead stars of Extra Service: ‘Yung action na ginawa nila dito matindi

Chris Martinez reveals he did not have a hard time working with Arci Munoz, Coleen Garcia and Jessy Mendiola.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/26/2016 8:00 AM
Director Chris Martinez on the lead stars of Extra Service: ‘Yung action na ginawa nila dito matindi


122616-Chris_push.jpgBago mag-isip ang moviegoers ng ibang kahulugan ng salitang “Extra Service” na title ng latest movie ni Direk Chris Martinez from Star Cinema, nagbigay na kaagad ng pahayag ang direktor kung ano ang ibig sabihin ng “extra service” sa kanyang pelikula.

Ayon sa director, “’Yung extra service kasi dito sa pelikula, code siya para simulan yung mission.”

Extra service din daw na maituturing ang ibinigay ng bidang sina Jessy Mendiola, Arci Munoz at Coleen Garcia sa kanilang action scenes.

“Ang extra service na in-offer nila dito, grabe. Yung action na ginawa nila dito matindi. Ang dami pong mga eksena na pinaghirapan talaga namin, pinaghirapan talaga ng lahat especially yung three girls namin.

“They underwent training. Sobrang seryoso sila sa pinagdaanan nilang fight scenes, training and the same time, extra din yung pagpapatawa. So, it’s really a challenge for all of them kasi hindi tayo masyadong sanay na nakikita silang… laging drama, eh.

“Tapos dito, aksyon and comedy. Ang action mahirap, comedy mahirap, pinagsabay pa, so yon ang ekstrang aabangan ng mga tao dito sa pelikula namin,” mahaba niyang paliwanag.

Idinagdag din ni Direk Chris na kaagad niyang tinanggap ang offer na idirek ang pelikula lalo na nu’ng makita niya ang mga kasama sa cast nito.

“Nung in-offer nila sa akin yung pelikula, nung sinabi sa akin yung premise, go kaagad ako. Nung nalaman ko kung sino pa yung mga kasama lalo akong na-inspired. Basta sabi ko lang, ‘basta seksi, ha,’ sabi kong ganun,” sey pa niya.

Hindi rin daw siya nagkaroon ng problema sa cast habang ginagawa ang “Extra Service.”

“Working with all of them, wala namang naging problema. Everything was smooth, everything on the set was very harmonious. Lahat sila game, tawa lang kami nang tawa.

“Nahihirapan sila talaga kasi nga yung physical demands ng roles nila ay medyo mataas kasi seryoso talaga yung fight scenes, eh. Hindi siya yung parang bara-bara lang, may choreography at medyo challenging talaga.”

Maging kay Coleen na hindi naman sanay sa comedy ay wala rin daw siyang naging problema.

“First shot ko po kasi si Coleen, first day, first shot siya. And then takot siya. Sabi niya, ‘Direk, hindi po ako nagko-comedy.’ Sabi ko, kaya mo yan, iga-guide kita. Tapos yon, yung eksena nila ni Vin, grabeng nakakatawa siya. Kailangan lang talagang i-push siya na ‘kaya mo yan.’”

Inamin din ng director na sobrang nag-enjoy siya habang ginagawa ang pelikula.

 “Nag-enjoy talaga ako working with these beautiful faces, beautiful actors. I’m a fan of beauty, eh, so nung first time na nakita ko sila together in one frame, parang sasabog yung frame sa sobrang ganda nilang tatlo.

“Hindi namin kinaya yung unang beses na nagsama-sama sila. Yon yung exciting na  part sa akin, to see these beautiful actresses with so much talent to match and medyo iba ito sa usual na ginagawa nila,” pagtatapos ni Direk Chris Martinez.

Palabas na ang “Extra Service” sa unang linggo ng January 2017.