Bago
mag-isip ang moviegoers ng ibang kahulugan ng salitang “Extra Service” na title
ng latest movie ni Direk Chris Martinez from Star Cinema, nagbigay na kaagad ng
pahayag ang direktor kung ano ang ibig sabihin ng “extra service” sa kanyang
pelikula.
Ayon
sa director, “’Yung extra service kasi dito sa pelikula, code siya para simulan
yung mission.”
Extra
service din daw na maituturing ang ibinigay ng bidang sina Jessy Mendiola, Arci
Munoz at Coleen Garcia sa kanilang action scenes.
“Ang
extra service na in-offer nila dito, grabe. Yung action na ginawa nila dito
matindi. Ang dami pong mga eksena na pinaghirapan talaga namin, pinaghirapan
talaga ng lahat especially yung three girls namin.
“They
underwent training. Sobrang seryoso sila sa pinagdaanan nilang fight scenes,
training and the same time, extra din yung pagpapatawa. So, it’s really a
challenge for all of them kasi hindi tayo masyadong sanay na nakikita silang…
laging drama, eh.
“Tapos
dito, aksyon and comedy. Ang action mahirap, comedy mahirap, pinagsabay pa, so
yon ang ekstrang aabangan ng mga tao dito sa pelikula namin,” mahaba niyang
paliwanag.
Idinagdag
din ni Direk Chris na kaagad niyang tinanggap ang offer na idirek ang pelikula
lalo na nu’ng makita niya ang mga kasama sa cast nito.
“Nung
in-offer nila sa akin yung pelikula, nung sinabi sa akin yung premise, go
kaagad ako. Nung nalaman ko kung sino pa yung mga kasama lalo akong
na-inspired. Basta sabi ko lang, ‘basta seksi, ha,’ sabi kong ganun,” sey pa
niya.
Hindi
rin daw siya nagkaroon ng problema sa cast habang ginagawa ang “Extra Service.”
“Working
with all of them, wala namang naging problema. Everything was smooth,
everything on the set was very harmonious. Lahat sila game, tawa lang kami nang
tawa.
“Nahihirapan
sila talaga kasi nga yung physical demands ng roles nila ay medyo mataas kasi
seryoso talaga yung fight scenes, eh. Hindi siya yung parang bara-bara lang,
may choreography at medyo challenging talaga.”
Maging
kay Coleen na hindi naman sanay sa comedy ay wala rin daw siyang naging
problema.
“First
shot ko po kasi si Coleen, first day, first shot siya. And then takot siya.
Sabi niya, ‘Direk, hindi po ako nagko-comedy.’ Sabi ko, kaya mo yan, iga-guide
kita. Tapos yon, yung eksena nila ni Vin, grabeng nakakatawa siya. Kailangan
lang talagang i-push siya na ‘kaya mo yan.’”
Inamin
din ng director na sobrang nag-enjoy siya habang ginagawa ang pelikula.
“Nag-enjoy talaga ako working with these
beautiful faces, beautiful actors. I’m a fan of beauty, eh, so nung first time
na nakita ko sila together in one frame, parang sasabog yung frame sa sobrang
ganda nilang tatlo.
“Hindi
namin kinaya yung unang beses na nagsama-sama sila. Yon yung exciting na part sa akin, to see these beautiful
actresses with so much talent to match and medyo iba ito sa usual na ginagawa
nila,” pagtatapos ni Direk Chris Martinez.
Palabas
na ang “Extra Service” sa unang linggo ng January 2017.