• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano, Erik Santos, Paulo Avelino celebrate the holidays with family reunions

Luis Manzano, Erik Santos, Paulo Avelino celebrate the holidays with family reunions

Kiana Valenciano also details what makes Christmas extra special this year with er family

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/25/2016 9:26 AM
Luis Manzano, Erik Santos, Paulo Avelino celebrate the holidays with family reunions


122516-ChritsmasPoll_PUSH.jpgHabang abala ang lahat sa pag-iisip kung paano gagawing mas espesyal ang kanilang kapaskuhan, ilan naman sa ating mga paboritong personalidad ang mas pinili ang tradisyonal na gawi ng pagdiriwang ng kanilang kapaskuhan.









Luis Manzano

122516-LuisManzano.jpg

Para sa TV Host na si Luis Manzano, mas pinili ang manatili sa piling ng kanyang mga magulang sa darating na kapaskuhan

"Ako naman tradisyon ko ever since 24th kasama ko mommy ko. Sa 25th, daddy ko. Tapos 26, barkada.”

Erik Santos 

122516-ErikSantos.jpg

Family reunion naman ang kahulugan ng kapaskuhan para sa singer na si Erik Santos na naging tradisyon na tuwing kapaskuhan.

"Christmas talaga is for family, so dapat talaga kumpleto ang buong pamilya pag Pasko. Usually pag 24th na, may reunion kami ng family."

Paulo Avelino

122516-Paulo-Avelino.jpg

Sa Baguio naman ang destinasyon ni Paulo Avelino upang ipagdiwang ang kanyang nakagisnang traditional Christmas. Magkasabay man ngayon ang shooting ng bagong pelikula niya na I'm Drunk I Love You at ng inaabangang Kapamilya teleseryeng The Promise of Forever, uuwi at uuwi padin daw siya sa kanyang bayan ngayong pasko para sa kanyang pamilya.

“Christmas, I always spend it with my family in Baguio. Aakyat ako ng Baguio kapag medyo wala ng work.”

Kiana Valenciano

122516-KianaValeneciano.jpg

Mas masaya naman ang Pasko sa Pilipinas para sa anak ni Pure Energy na si Kiana Valenciano dahil present ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya. Extra special din daw ng 2016 para sa Valenciano dahil sa pagkakaroon ng bagong miyembro nito na si Baby Leia.

"It's going to be the same, I can't imagine spending Christmas day in other country kasi ang laki ng family namin e, I like being surrounded with my cousins, my titos and titas. Christmas this year is going to like be any other, maybe more happy kasi may bagong member ng family."