• Home
  • Fresh Scoops
  • How will the busiest actresses of ABS-CBN spend their Christmas?

How will the busiest actresses of ABS-CBN spend their Christmas?

Maja Salvador, Bea Alonzo and Julia Montes share what’s up with them this holiday season.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/25/2016 8:50 AM
How will the busiest actresses of ABS-CBN spend their Christmas?


122516-ChritsmasPoll2_PUSH.jpgHataw na sa kanilang trabaho ang ating mga paboritong showbiz personalities na sila Julia Montes, Bea Alonzo at Maja Salvador para magkaroon ng mahaba-habang pahinga at bakasyon kasama ang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.

Sa kanyang successful 2016, ang lead actress ng “Doble Kara” na si Julia Montes ay wala nang mahihiling pang regalo ngayong Kapaskuhan, Ayon kay Julia ito ang tamang panahon para siya ay magpasalamat.

"Sobrang over flowing, hindi ko ma-explain ang mga nangyari sa akin, parang di ko ini-expect na may mga blessing na dumarating tapos akala ko dun lang yun. Pero mag-overflow pa,” kwento niya sa PUSH. 

Nagsimula namang mag-Christmas shopping si Bea Alonzo habang nasa Germany siya para sa shooting ng bago niyang teleserye na “A Love To Last” na mag uumpisa sa unang bahagi ng 2017.

“Nung nasa Germany ako, para siyang Christmas village and I’ve heard na doon galing ang teddy bear, so bumili ako pansabit sa Christmas tree and one for myself. And bumili ako ng maliit na Christmas tree for my room,” sabi ni Bea. 

Si Maja Salvador naman na mas piniling mag-Pasko sa Pilipinas at mangingibang bansa kasama ang pamilya bago mag Bagong Taon.

“Ako Christmas dito sa Pinas kasi kasal ng mom ko, tapos after that mag-out of the country pero with family pa din.”

Abala din ang aktres sa shooting ng kanyang upcoming movie na “I'm Drunk, I Love You” at ang Inaabangan din ng fans ang pagsisimula ng taping ni Maja para sa teleseryeng “Wild Flower” ng ABS-CBN.