• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe 1993 Dayanara Torres excited for her return to the Philiipines

Miss Universe 1993 Dayanara Torres excited for her return to the Philiipines

Is Dayanara making a showbiz comeback?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/24/2016 9:04 AM
Miss Universe 1993 Dayanara Torres excited for her return to the Philiipines


122416-Dayanara.jpgSa umiinit na Miss Universe fever para sa inaabangang 2017 coronation sa Pilipinas, Masayang balita din ang inihatid ng 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres sa kanyang recent Instagram post kung saan naging highlight ang mga katagang, "here's to new beginnings."

"Glad to be back with Manila Genesis again...!! Couldn't feel more at home! Love you guys @angelipv @therealgaryv Here's to New Beginnings [sic]," caption niya sa kanyang Instagram post. ?? 

Tila ito na ang kumpirmasyon mismo ni Dianara na muli siyang magbabalik sa Pilipinas sa pamunuan ng Manila Genesis na dating nag manage din sa kanya noong nanatili siya sa bansa.

Kamakailan naging viral din ang huli nilang pagkikita ng mag asawang Gary at Angeli Valenciano ng minsan silang mag show sa America kung saan sila binisita ng dating beauty queen.

Ayon mismo sa kuwento ni Angeli, ramdam sa mga mata at ngiti ni Dayanara ang kasabikan ng former beauty queen na muling makabalik sa Pilipinas na minsan na niyang naging tahanan dagdag pa ni Angeli, matatas padin daw itong mag salita ng Tagalog.

Sumikat at napanuod noong 90's sa Pilipinas si Dayanara sa mga pelikulang "Hataw Na" at ang tatak na tambalan nila ni Aga Mulach sa "Basta't Kasama Kita."