How will Kapamilya heartthrobs spend their Christmas?

Know how Coco Martin, John Lloyd Cruz and Piolo Pascual will be spending their Christmas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/24/2016 4:08 PM
How will Kapamilya heartthrobs spend their Christmas?


122416-Hearthrobs_PUSH.jpgHumataw din sa kanilang mga naging trabaho ang ating nga tinitilian na showbiz personalities na sila Coco Martin, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual upang maisingit ang panahon ng Kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya.

Sa pag uumpisa palang ng Disyembre naging abala na ang tinaguriang Idolo ng Masa na si Coco Martin dahil sa mas napaagang Pamaskong pelikulang handog nila ni Vice Ganda na “The Super Parental Guardians,” bukod dito tuloy tuloy padin ang pag shoot niya para sa highest rating action teleserye na “FPJ's Ang Probinsyano.”

"Wala direcho pa din ang taping ng ‘Ang Probinsyano,’ kung may time baka makabawi ng kaunti sa family dahil maaga naipalabas ang movie namin, makakapag spend kahit pano ng time sa family namin this Christmas," pagbabahagi ng aktor.

Magiging abala naman ngayong Kapaskuhan ang Kapamilya heartthrob na si John Lloyd Cruz bilang isa sa mga taga suri ng mga pelikulang kalahok sa 2016 Metro Manila Fim Festival. Ikinasiya ng aktor ang bagong tungkulin dahil sa bagong experience na ito para sa kanya.

"I am very excited to be part of the MMFF jury this year. It’s very exciting kaya dito lang ako. I’m going to be here. Gusto ko maranasan yung Pasko na kasama yung Philippine cinema," kwento ni Lloydie.

Abala naman ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa pag-aayos at pag-hahanda para sa kanyang bagong pinatayong bahay kung saan pinili niya na ipagdiwang ang Pasko kasama ang buong pamilya.

"Family as usual , dito Kami mag papasko sa bagong bahay hopefully, We’re spending Christmas here, might spend it there with mom, with whole family, it's more than our house, it's our family house. It's nice feeling to be at home."

Aabangan din kay Piolo ang upcoming movie nila ni Yen Santos na “Once in a Lifetime” na naka takdang ilabas sa 2017.