• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary V., Awra, Ellen Adarna share their simple thoughts for Christmas

Gary V., Awra, Ellen Adarna share their simple thoughts for Christmas

Simple joys with family is what Christmas is for these celebrities.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/24/2016 8:52 AM
Gary V., Awra, Ellen Adarna share their simple thoughts for Christmas


122416-XmasPoll_PUSH.jpg

Sa kabila ng kaliwa’t-kanang mga proyekto ng ating mga paboritong bituin ngayong 2016, ibinahagi nina Gary Valenciano, McNeal “Awra” Briguela at Ellen Adarna ang mga natatangi nilang pamaskong regalo para sa kanilang mga sarili.









Gary Valenciano

XmasPoll-2.jpg

Para kay Mr Pure Energy Gary Valenciano, maituturing na espesyal ang kanilang Pasko dahil sa pagdating ng unang apo niya na si Baby Leia, mula sa anak niyang si Paulo Valenciano at asawa nito na si Samantha Godinez. Aniya sapat na daw itong regalo ngayon para kay Gary at pamilya ngayog holiday season.

"Siguro pwedeng wala nang magbigay sakin ng regalo okay lang, kasi I have a gift na, si Leia. Hindi ko pa man sila masyado nadadalaw but having Leia is the biggest gift and only gift for me this Christmas."

McNeal 'Awra' Briguela

XmasPoll-3.jpg

Alay naman ng Internet-sensation-turned-child-actor na si McNeal Briguela o mas nakilala bilang si Awra ang kanyang mga natamong biyaya ngayong taon, mula sa pagiging regular niya sa FPJ's Ang Probinsyano hanggang sa kaauna-unahang pelikula niyang The Super Parental Guardians para sa kanyang pamilya ngayong kapaskuhan.

"Siguro po yung regalo ko para sa sarili ko ibibigay ko nalang po muna sa family ko kasi para sa kanila naman lahat ng ito."

Ellen Adarna 

XmasPoll-1.jpg

Mula naman sa kabi-kabilang proyekto ng sexy actress na si Ellen Adarna nitong 2016, looking forward naman siya ngayong Pasko na makasama niya ang kanyang pamilya na matagal na niyang hindi nakakasama.

“I don’t have everything but I’m happy with what I have right now. I just want to spend time with my family because I’m not with them anymore and hopefully this Christmas magkita-kita kami.”