DOT reveals Miss Universe pageant schedule

DOT Secretary Wanda Teo gives a rundown of Miss Universe activities.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/24/2016 9:04 AM
DOT reveals Miss Universe pageant schedule


122416-MsU_PUSH.jpgInihayag ni Tourism Secretary Wanda Teo ang schedule of events para sa magaganap na Miss Universe Pageant dito sa Pilipinas sa 2017. Ayon kay Secretary Teo, magsisimula dumating sa bansa ang mga kandidata sa January 12 at official na magsisimula ang pageant activities sa January 15.

There will be a photo shoot on the 15th in Vigan. On the 16th, there will be a Governors’ Ball at SMX. All the candidates will be there.”

Sa January 17 naman mgaganap ang swimsuit competition sa JPark Island Resort sa Cebu na isa sa inaabangang activities ng pageant. Dahil sa dami ng scenic spots sa bansa, mahahati ang mga kandidata sa grupo para mapuntahan ang mas maraming destinasyon. “Some will be going to Baguio, some will be going to Albay, so medyo hati-hati na ‘yan,” sabi ni Teo.

Kasama rin sa venue ang ilang tourist spots sa Batangas at IloIlo. Babalik naman ang lahat ng kandidata ng Miss Universe sa Manila sa January 21 para sa Fashion show sa SMX sa MOA at may isa pang event sa kasunod na araw na may tema na "woman empowerment night".

Courtesy call naman kay Pangulong Duterte ang haharapin ng magagandang delegates sa January 23 na susundan ng isa pang malakihang event sa Conrad Hotel. January 24 naman magaganap ang National Costume Competition sa World Trade Center at sa ngayon inaayos pa ang venue at detalye ng evening gown competition. At siyempre pa, ang finale ay ang coronation show na magaganap sa MOA arena sa January 30, 2017 8 a.m. oras dito sa Pilipinas.