• Home
  • Fresh Scoops
  • MMFF 2016 parade goes back to the City of Manila after 42 years

MMFF 2016 parade goes back to the City of Manila after 42 years

Despite the hot weather, the public excitedly waited for their favorite stars as it returned to its own route in the City of Manila.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/23/2016 4:07 PM
MMFF 2016 parade goes back to the City of Manila after 42 years


122316-MMFF_PUSH.jpgSa kabila ng mainit na tirik ng araw , mainit din na inabangan ngayon ng mga taga hangga at taga suporta ng walong pelikula na kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival ang kanilang mga iniidolong bituin na kasama sa mga float.

Kasabay ng malaking pagbabago sa MMFF, binago din ang nakasanayang ikot at daan nito, ngayon taon naging makabuluhan ang muling pagbabalik ng parada sa lungsod ng Maynila makalipas ang 42 taon.

Nanguna sa pila ang float ng “Ang Babae sa Septic Tank 2”na pinagbibidahan ni Eugene Domingo, Jericho Rosales, at Kean Cipriano.

MMFF3.jpg

Pumapangalawa sa pila ang float ni Trishia Echeveria na “Die Beautiful” na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

MMFF9.jpg

Ikatlo ang float ng Superstar na pinangungunahan ni Nora Aunor sa pelikukang “Kabisera.”

MMFF5.jpg

MMFF1.jpg

 Ang ika-apat na float ay para sa pelikulang “Oro” na pinagbibidahan ng character actress na si Irma Adlawan, Mercedes Cabral at Joem Bascon.

MMFF6.jpg

MMFF11.jpg

Pang-lima sa pila naman ay ang animated love story na “Saving Sally,” na pinangungunahan ni Rhian Ramos.

MMFF10.jpg

MMFF7.jpg

Ika-anim na float ay para sa “Sunday Beauty Queen,” ang natatanging kuwento ng mga Overseas Filipino Worker, kasama ang mga bida nito na nagmula pa sa Hong Kong.

MMFF2.jpg

Pang pito naman ang teen kilig movie ng Star cinema na “Vince and Kath and James” na pinangunngunahan nila Joshua Garcia, Julia Baretto at Ronnie Alonte.

MMFF4.jpg

Nasa pinaka huli ang float ng horror film ni Eric Matti na “Seklusyon” na pinangungunahan ni Dominic Roque, Ronnie Alonte at Rhed Bustamante.

MMFF8.jpg

Iniikot ngayon ng walong float ang lungsod Maynila , mula Manila City Hall, Meehan Garden, Taft Avenue, daraan ng Jones Bridge, patungong Chinatown didirecho ng Reina Regente Street, palabas Claro M. Recto Avenue, at papasok sa Rizal Avenue (Avenida) hanggang sa makarating sa Quezon Boulevard patungong Plaza Miranda kung saan mag tatapos ang parada.