• Home
  • Fresh Scoops
  • Eugene Domingo talks about returning to the big screen after self-imposed hiatus

Eugene Domingo talks about returning to the big screen after self-imposed hiatus

Eugene Domingo also talks about her relationship with her Italian boyfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/23/2016 8:56 AM
Eugene Domingo talks about returning to the big screen after self-imposed hiatus


122316-EugeneDomingo_PUSH.jpgAfter almost two years of self-imposed hibernation ay balik-big screen na ulit ang komedyanang si Eugene Domingo para sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank 2 na isa sa eight entries ng Metro Manila Film Festival which will open on Christmas Day (December 25).

“I am very happy, very excited, and very grateful,” reaksyon ni Eugene sa kanyang pagbabalik sa pelikula.

Idinagdag din ni Eugene na it was her decision kung bakit natagalan na gumawa ulit siya ng pelikula.

“Oo,” sambit agad niya.

“Kasi kailangan ko munang magpahinga. Sa movies lang naman ako nagpahinga pero tuloy pa rin naman ang TV show ko. Perfect timing naman ang paggawa ng sequel ng Septic Tank because everybody in the film is so inspired.

“Ang ganda! Ang perfect ng timing. Ang perfect ng cast. Perfect ang script. It’s the perfect family movie this Christmas,” sey pa niya about her MMFF entry.

Eh, ano bang pagkakaiba ng unang Septic Tank sa Septic Tank 2?

Paliwanag ni Eugene, “Yung Septic 1 kasi naka-focus ito sa pagsali sa international film festival, sa paggawa ng indie film and then Septic Tank 2 is connection niya sa mga mahilig manood ng romantic comedies," paliwanag ng aktres.

Matatandaan na ang Barber's Tales was Eugene's last film before she went on hiatus. Ito rin ang pelikulang nagbigay ng karangalan sa kanya bilang kauna-unahang Pinay actress na nanalo ng acting award sa 27th Tokyo International Film Festival.

Samantala, tungkol naman sa love life ni Eugene, aminado ang aktres na hindi pa nila napapag-usapan ng Italyanong boyfriend na si Dannilo ang tungkol sa kasal.

“We’re good, we’re very happy, we’re very blessed. We don’t plan anything, we’re just enjoying ourselves, we’re enjoying our time,” reaksyon niya.

Masaya rin daw ang boyfriend na nakagawa ulit siya ng pelikula.

“He’s very happy that I’m back in films because he’s always asking, ‘Kelan ka babalik umarte?’ He’s very excited about Septic Tank 2,” sabi ulit ni Eugene.