• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Santos denies Angeline Quinto has a non-showbiz boyfriend

Erik Santos denies Angeline Quinto has a non-showbiz boyfriend

Erik Santos says he doesn’t need to ask Angeline Quinto because he knows what’s going on with her life.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

12/23/2016 9:33 AM
Erik Santos denies Angeline Quinto has a non-showbiz boyfriend


122316-ErikSantos_PUSH.jpgMariing itinanggi ni Erik Santos ang usap-usaping may bagong non-showbiz boyfriend na raw si Angeline Quinto.

“Tsismis lang po 'yun. Hindi ko kailangan magtanong kasi alam ko naman ang nangyayari sa kanya. Hindi totoo,” pahayag ni Erik sa ABS-CBN News.

Na-lilink si Angeline kay Erik ngunit hindi pa nila tuluyang inaamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

“Okay naman po, masaya kami,” ang naging sagot ng singer at sinabing walang nagbago sa kanilang relasyon.

Sa dati ring interview ni Angeline, sinabi nito na baka naiinip na sa pagiintay sa kanya si Erik at malaya naman daw itong makipag-date sa iba. Gusto na raw kasing mag-asawa at magka-anak ni Erik at hindi naman daw siya handa pa sa buhay pamilya.