Vhong Navarro shares his thoughts on getting married again

Vhong Navarro says his longtime partner has been very supportive.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/22/2016 10:21 AM
Vhong Navarro shares his thoughts on getting married again


122216-VhongNavarro_push.jpgMula sa sunod-sunod na pagpaplanong pagpapakasal ng mga It's Showtime hosts na sila Anne Curtis sa longtime boyfriend nito na si Erwan Heussaff na sinundan naman ni Billy Crawford at Coleen Garcia, naging private joke nila Vhong Navarro at ng iba pang hosts kung sino ang susunod magpakasal sa kanila.

Sa naganap na press conference ng pelikula ni Vhong na Mang Kepweng Returns na mapanuod sa unang linggo ng 2017, naibahagi ng komedyante ang mga naging usapan nila ng mga kasamahan niya sa It's Showtime tungkol sa kasalan.

Kuwento ni Vhong, na-realize niya ang naging pag-uusap nila ni Anne Curtis nang minsan siyang i-hot seat nito at tanungin kung kailan siya magpapakasal.

"Sabi ko nga kanina na hot seat ako ni Anne Curtis sabi niya sa akin 'kailan ka ba?' Sabi ko naman sa kanya 'teka lang, ako nauna sa inyo e 21 years old palang nag pakasal na ako.' Kaya lang po annulled na din po ako ngayon yun po yung round 1," panimulang kuwento ni Vhong.

"May round 2 pa naman e, pero soon kasi may mga bagay lang ako inuna sa ngayon, kumabaga ayaw ko lang din kasi na parang bibiglain lang na parang walang ka plano plano," sabi pa nito.

Naging emosyonal naman ang komedyante ng pag-usapan na ang kanyang longtime partner na aniya ay umintindi sa kanya ng buong-buo sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan.

"Itong babae po na kasama ko ngayon ay isa sa mga taong nagmahal po sa akin ng buong buo, kaya gusto ko sana na ibigay sa kanya yung pinakamagandang wedding at ito yung dream niya," pagbabahagi ni Vhong.

Pinasalamatan din ni Vhong ang kanyang longtime partner dahil sa pag-unawa nito at pagsuporta sa nga desisyon sa buhay.

"Hangga’t maari po lagi niya ako iniintindi sa mga bagay na kailangan ko muna unahin at alam naman po niya yun e. Natutuwa lang po ako kasi kung mayroon ako gusto gawin, lagi siyang andiyan sa likod ko naka back up sa akin, laging sumusuporta," sabi pa ni Vhong.

Naniniwala din ang It's Showtime host na darating sila sa tamang timing at tamang pagkakataon para ituloy ang kanilang pangarap na kasal.

"Kaya po sana ayaw ko nung dahil lang sa nainggit tayo, gumaya at sumunod kami ayaw ko po nung ganun, kasi may mga tamang paraan at may timing ang lahat hindi lang po natin alam kung this year or sa susunod pang taon. Gusto ko lang po nasa tama dahil ayaw ko nang magkamali, kumbaga this time sisiguraduhin ko na ito na yun," pagtatapos na kuwento ni Vhong.