Nora Aunor plans to get her golden voice back in 2017

Nora Aunor wants to undergo therapy for her voice soon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/22/2016 10:00 AM
Nora Aunor plans to get her golden voice back in 2017


122216-NoraAunor_push.jpgTila nag-uumpisa muli kung ilarawan ni superstar Nora Aunor ang kanyang nararamdaman sa mainit na pagsuporta sa kanya ng mga dumalo sa premiere night ng kanyang bagong pelikula na Kabisera sa SM Megamall nitong December 19.

Sinalubong ng malakas na hiyawan at palakpakan ng mga die-hard Noranians na nagmula pa mula sa iba't ibang lugar ang kanyang pelikula.

Damang-dama din ng mga dumalo sa premiere night ang labis na pagmamahal ng mga fans dahil sa pag papatugtog ng playlist ni Ate Guy na mistulang pagpapahiwatig ng kanyang muling pagbalik sa pagkanta.

Sa panayam na ito ng Push.com.ph kay Ate Guy, naitanong na sa kanya kung kailan niya plano muling bumalik sa pag-awit. Kuwento niya nasa plano na niya ito pero ayaw pa muna niya kumpirmahin.

"May awa ang Diyos. Kung loloobin talaga by this January, pero hindi ko lang alam kung gaano katagal yung therapy, hindi pa din sigurado yun ha. Ayaw ko kasi magsalita ng patapos na naman pagkatapos hindi naman talaga mangyayari ang lahat ng ito ay plano pa lamang," saad ni Ate Guy.

Sabi pa niya, hangad niya ang muling bumalik sa pag-awit pero ipinabahala na niya ito sa Panginoon.

"Siyempre naman, at ayaw ko na nga magsalita muna tungkol diyan pero sana naman sana maibalik na, Kung loobin ng Diyos, loloobin ng Diyos.”

Plano umano ni Ate Guy na simulan ang kanyang therapy sa unang buwan ng 2017 ngunit, naibahagi din niya na mayroon na siyang nakapilang proyekto sa pagbubukas ng taon.

"Meron na nga po e, kaya medyo parang hindi ko pa alam ang isusunod ko, maganda din kasi ang kasunod," pagtatapos niya.

Matatandaan nagkaroon noon ng impeksyon si Ate Guy habang sumasailalim sa cosmetic procedure sa ibang bansa na tuluyang naka-apekto sa kanyang ginintuang boses.