• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina details sharing custody of daughter with ex Patrick Meneses

EXCLUSIVE: Ara Mina details sharing custody of daughter with ex Patrick Meneses

Ara Mina says she wants her daughter to grow up in a happy family environment.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/22/2016 9:56 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina details sharing custody of daughter with ex Patrick Meneses


122216-AraMina_push.jpgKahit magkahiwalay na ay magkasamang inaasikaso nina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses ang kanilang mga bisita nung second birthday ng kanilang anak na si Amanda “Mandy” Gabrielle. Halatang okay naman ang estranged couple at pareho na silang naka-move-on sa nangyari sa kanilang relasyon.

“We’re okay and we’re friends naman,” simula ni Ara. “Tsaka alang-alang siyempre kay Mandy, di ba? Mas magiging masaya yung baby namin kapag nakita niya ito, if ever paglaki niya, na kumpleto kami nu’ng birthday niya,” dagdag ni Ara.

Paano nga ba nila name-maintain ang friendship nila ng dating boyfriend?

I think, mabait ako (laughs). Hindi ko kasi pinagdadamot ang anak ko, eh. Kaya kung mamapansin mo, yung anak ko very jolly, makikita mo na puno ng pagmamahal.

“Kasi pag pinagkait mo yung… bitter-bitter-an ka pa, oo masakit yung nangyari na hindi kami nagkatuluyan, na iniwan niya ako, pero I think we need to move on at naka-move-on na ako.”

Patuloy pa ni Ara, “Kasi two years na rin naman, kung babalikan niya ako, parang dapat may move na siya, pero hindi naman ako umaasa na babalikan niya ako or something. Tanggap ko naman.

“At saka hindi naman ako sobrang nalulungkot kahit single ako kasi busy nga ako tapos yung anak ko napu-fulfill niya yung emptiness. Minsan nami-miss mo yung may kayakap but at the end of the day kapag pagod ka na hindi mo na rin naiisip. Katabi ko namang matulog si Mandy kaya okey din lang.”

Tuwing kailan ba puwedeng bisitahin ni Patrick ang anak niya?

“Any time na gusto niyang… nahihiram niya. Basta every Sunday nasa kanya, yung ang arrangement, nasa lola niya, tapos kapag may special occasions

“Kaya hindi siya aloof sa family ni Patrick. Saka maganda rin naman yung may nagigisnan siyang tatay, di ba?” paliwanag pa niya.

Two years na si Mandy pero aminado si Ara na wala pa rin siyang love life ngayon. Hindi ba siya naiinggit sa kaibigan niyang si Sunshine Cruz na boyfriend ng half-brother niyang si Macky Mathay?

“Hindi naman. Iniisip ko na lang after three years siguro magkakaroon na rin ako ng boyfriend (laughs). Kasi ano pala yan, eh, the more na naghahanap ka, the more na matagal. Better na huwag ka na lang maghanap, darating lang yan.

“Parang kay Sunshine, bigla na lang nagpakilala, di ba? Naniniwala naman ako don. Pero hindi pa naman ako yung tipo na ayaw nang ma-in love kasi iba-iba naman yung experiences ko ng breakup, eh.

“Nagkataon lang na hindi ako sinuwerte kay Patrick kahit pa gusto kong buo yung family ko, na kung sino yung tatay ng anak ko yon yung kasama ko. Pero huwag kang mainip, dadating din yung para sa akin. Hintay-hintay lang tayo,” pagtatapos ni Ara.