Celebrities reveal their secret exchange gift wish list

Kapamilya stars reveal who they want to be their Secret Santa this year.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

12/22/2016 10:11 AM
Celebrities reveal their secret exchange gift wish list


122216-WishList_push.jpgJulia Montes 

“Siguro kay tita Susan Roces kasi ever since talaga kahit na nung Walang Hanggan days pa never siya nakalimot. Kapag may bunga yung puno niya, automatic yun may letter sa akin tapos sasabihin niya na, ‘Naaalala kita kapag tumutubo yung rambutan na ito kaya sana ma-enjoy mo.’ So gusto ko siya bigyan ng regalo na gusto ko yung talagang from the heart."

Robi Domingo

“Perhaps si Daniel Padilla kasi kahit anong ibigay ko sa kanya, tenfold ang ibibigay niya sa akin. Bibigyan niya ako ng ballpen tapos bibigyan niya ako ng ballpen (laughs).”

Ronnie Alonte

“Siguro isa na lang sa mga kagrupo ko. Si Zeus Collins malakas kumita sa mga kagrupo ko kaya siya yung gusto ko ka-exchange gift. Kahit regaluhan ko siya alam ko mas malaki ang ireregalo niya sa akin. Alam ko magiging maganda yung bigayan namin sa isa’t isa (laughs).”

McCoy De Leon

“Si kuya Teddy Corpuz (of It’s Showtime) kasi siya yung unang nagbigay sa amin ng exposure. Kasi binigyan niya kami ng music video. Yan yung pinaka-una naming pagsasama eh. Siguro bibigyan ko siya ng microphone kasi singer siya (laughs).”

Elisse Joson

“Si Mama Pooh kasi sobrang isa din siya sa naging sobrang welcoming sa amin, sobrang gaan ng pakikitungo niya. Love na love namin siya kasi nga napaka-supportive at saka ramdam din namin yung love din niya for us. Ibibigay namin sa kanya si kuya JC (De Vera) kasi di ba sa Banana Sundae di ba sila si Baby Boy at Baby Girl? (laughs)"

Coleen Garcia

“Ibibigay ko yung favorite Sans Rival cake ko kasi ang sarap at saka nakakataba. Ibibigay ko kay Arci Munoz (laughs) joke lang.”

Darren Espanto

“Parang marami pero kung isa lang siguro si Bruno Mars at saka si Beyonce. I would give them my album joke lang (laughs). They have everything na kasi eh. Siguro just a simple card."

Gary Valenciano

“It would probably be my son Paolo. If I could give him something it would be a booklet or a pamphlet of everything that I’ve done as a father that I should not have done and tell him, ’If you think I was a great dad, I think you’ll be a better one. But here are the do’s and don’ts. Focus more on the don’ts and don’t do what I did.’ That’s it.”

Sharlene San Pedro

“Si Ate Miles Ocampo kasi best friend ko siya. Ang gift na ibibigay ko sa kanya madaming chocolates kasi mahilig siya sa chocolates.”

Joshua Garcia

“Si Julia Barretto bibigyan ko siya ng maraming Oreo kasi favorite niya yun. Matakaw siya dyan (laughs).”

Edgar Allan Guzman

“Kay Coco Martin. Ibibgay ko sa kanya yung respeto ko sa kanya kasi idolo ko siya at gusto ko siya makatrabaho.”

Erik Santos

“Si Angeline Quinto bibigyan ko ng aso kasi mahilig talaga siya sa aso.”

John Prats

“Sige best friend ko na lang si Sam Milby. Bibigyan ko siya ng oil control para mawala yung pagiging oily niya.”

Vin Abrenica

“I would give a couple gift to Coleen Garcia and Billy Crawford. Bigyan ko sila ng praying mantis as a pet (laughs). Wala lang, katuwaan lang kasi mahilig sila sa pets. I know they would understand. Or bigyan ko sila ng a big cat na lang."

Enzo Pineda

“Siguro my mom I would give her a bag na gusto niya kasi mahilig siya sa bags and at the same time sobrang supportive ng mom ko. I believe that everything that I have right now is also because of her full support so I love you mom!"

Carmi Martin

“Kay Roderick Paulate and Connie Reyes I would give time, a reunion. Siguro a simple Daily Bread ganun because we get together annually lang eh. We’re so busy but we’re close sa Facebook. So siguro I’d give them a spiritual book.”

Christian Bautista

“Internationally si Taylor Swift. Mag-e-exchange kami ng kanta (laughs).”

Pooh the comedian

“Siguro McLisse, ibibigay ko siguro sa kanila ay prayers. Kasi hindi ko pa alam kung ano gusto nila kasi siyempre ngayon ko pa lang kami nagkaka-palagayan ng loob. Siguro kasama ko sila sa prayers ko. Isang magandang gift yun. Pero kung materyal na bagay siguro bigyan ko sila ng earphones kasi mahilig silang makinig ng music eh.”

Bianca Gonzalez

“Si Tito Boy Abunda ay bibigyan ko ng plane ticket para magbakasyon kasi grabe siya magtrabaho. Deserve niya ng bakasyon.”

John Lapus

“I would love to exchange panga with Piolo Pascual kasi wala akong panga. Eh feeling ko sobra naman yung sa kanya. Parang feeling ko ang laki ng ikakaganda ko pag nakipag-exchange ako ng panga sa kanya. Bibigyan ko naman siya ng konting taba ko kasi ang dami na niyang abs! He’s almost too perfect, chiseled face, chiseled body. So any time makikipag-exchange gift ako kay Piolo ng muscle at panga lang.”

Alex Gonzaga 

“Kay kuya Luis Manzano ibibigay ko kabutihang loob joke lang (laughs). Ang ibibigay ko sa kanya ay nail cutter kasi wala siyang kuko. So para mas lalo pang mawala yung kuko niya."