Alex Gonzaga says her family approves of her current suitor

Alex Gonzaga reveals Piolo Pascual was the one who introduced her current suitor.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/22/2016 10:15 AM
Alex Gonzaga says her family approves of her current suitor


122216-AlexGonzaga_push.jpgBlooming at inspirado si Alex Gonzaga ng magpa-interview. Nasa mood din ang actress-TV host na magkuwento sa status ng kanyang personal na buhay.

"Okay naman. Kaya nga masaya tayo," sabi ni Alex.

Malaking factor ng pagiging masaya ngayon ni Alex ang approval ng kanyang pamilya sa current non-showbiz na suitor.

"Hindi ako nagla-love life nang hindi boto ang mommy."

Pero pigil sa pagbibigay ng detalye si Alex ng kanilang getting-to-know-each-other stage. "Baka ma-udlot."

Dagdag pa ni Alex na si Piolo Pascual ang naging tulay para magkakilala sila ng kanyang manliligaw. "Pinakilala siya ni PJ. Hindi ko akalain na magkaka-impact sa buhay ko si Piolo. Sa dalawang Gonzaga may impact na si Piolo," pagtatapos ni Alex.