Mocha Uson assigned as MMFF 2016 ambassador

Mocha Uson to support changes in MMFF.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/21/2016 8:54 AM
Mocha Uson assigned as MMFF 2016 ambassador


122116-MochaUson_PUSH.jpgExciting at maingay” kung mailalarawan ng kontroberysal na si Mocha Uson ang kanyang 2016. Ito ay dahil sa mga pagpapahayag niya ng kanyang mga saloobin sa kanyang personal blog. Aniya, ito ang nakikita niyang paraan ng pagpapahayag ng kanyang sarili at pag papamulat sa mga taong nawawalan na ng pakialam sa kanilang paligid.

"Unang una, nanalo ang ordinaryong mga Pilipino na mailuklok at maiupo ang kanilang mahal na pangulo na si Presidente Duterte," panimula ni Mocha.

Dagdag pa nito, "Sabi nga ni pangulong Duterte 'kalayaan natin ipahayag ang ating mga sariling opinyon, dahil yun ang tinatawag na freedom of expression.' Ang sa akin naman, ituloy natin ang bangayan sa social media dahil yan ang susi sa demokrasya ngayon e. Pero pagdating sa pagtulong sa acting bayan magkaisa po sama tayo," saad pa nito.

Bukod sa kanyang mga ipinaglalaban, abala din ang sexy performer sa kanyang pagsuporta sa 2016 Metro Manila Film Festival kung saan hinirang siya bilang ambassador nito.

Kuwento ni Mocha, siya ay personal na tinawagan ng Chairman ng MMFF na si Tim Orbos upang maging katuwang nila sa pagsulong ng malaking kabaguhan sa pamantayan ng MMFF.

"Ako po ay nilapitan nila to support MMFF. Tinawag ako for a meeting with Chairman Orbos at mga Executive Committee members kasi gusto nila magkaroon ng pagbabago sa MMFF," sabi pa ni Mocha.

Ikinuwento pa din Mocha, masaya siya at ikinalugod niya ang bagong adbokasiyang ito ng MMFF na naglalayon din ng pagbabago.

"Ang gagawin ko naman dito ay paiingayin ko po sa social media at hihikayatin ko yung mga kababayan natin na suportahan po yung pagbabago dito sa MMFF. Ang para sa akin po ay tutulong po tayo dito sa MMFF 2016 para sa pagbabago na ating inaasam."

Abala man sa kanyang mga nagiging adbokasiya sa ngayon, pagaamin Mocha aktibo parin siya sa gabi-gabing show nila sa iba’t-ibang mga entablado ng kanyang sexy all girl group na Mocha Girls.

"Focus po ako ngayon sa Mocha Girls. Gabi-gabi po yung show namin na mas Wholesome na po sa ngayon," pagtatapos ni Mocha.