• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Macky Mathay reveals how his romance with Sunshine Cruz started

EXCLUSIVE: Macky Mathay reveals how his romance with Sunshine Cruz started

Macky Mathay says Sunshine Cruz was his long-time crush.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/21/2016 9:03 AM
EXCLUSIVE: Macky Mathay reveals how his romance with Sunshine Cruz started


122116-Macky_PUSH.jpgInamin sa Push.com.ph ni Macky Mathay, half-brother ni Ara Mina, kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Sunshine Cruz at kung ilang buwan na silang magkasintahan.

Nakausap namin si Macky sa birthday party ni Amanda Gabrielle na anak ni Ara pero hindi kasama ni Macky that time si Sunshine dahil may commitment daw ito.

“We’ve been together for three months,” pag-amin pa niya.

Tuwing 18th of the month daw nila sini-celebrate ang kanilang monthsary.

Almost four years na single si Sunshine nang ligawan siya ni Macky na halos 2 years ding separated sa dating asawa. Hindi ba siya nahirapang ligawan si Sunshine?

“Hindi naman!” sagot agad ni Macky. “Parehas lang naman kasi sa akin, nu’ng na-separate ako, I concentrated don sa kids ko, di ba? Kasi dapat lang naman na mas lalong mabigyan ng panahon yung mga bata kasi siyempre, since separated yung parents, yung duties as a father sometimes pag ikaw lang yung kasama ng mga bata, nagiging father-mother ka, di ba? And same as the mother also.”

Patuloy pa niya, “Blessed kami ni God na nahanap namin ang isa’t isa. Kasi palagi ko ring sinasabi kahit sa My Sunshine ko, napag-uusapan namin, sinasabi namin na hindi talaga namin inakala ito.

“Kahit kami, kahit nga si Hazel (Ara), kahit sino, pamilya ko, kamag-anak ko, kabarkada ko, kaibigan—lahat sila hindi naman nila inakala talaga na mangyayari ito and same goes for My Sunshine.”

Hindi rin daw si Ara ang naging tulay sa relasyon nila ngayon ni Sunshine.

“Hindi talaga,” pagtanggi pa niya.

“Nasa Brunei sila noon for a wedding, pinost ni Hazel, sabi ko ang ganda pa rin ni Sunshine, eh, crush ko siya dati, sino bang hindi? Tapos nag-DM (direct message) ako, ‘Hi, I’m the brother of Hazel.’ Tapos yon nga, blessing nga from God kasi at that time hindi ko naman alam na magkasama sila ni Hazel, di ba?

“Sabi nga ni My Sunshine na kung hindi sila magkasama (ni Hazel) baka naitsapuwera lang yung message ko.”

Sumagot ba si Sunshine agad sa DM niya?

“Nag-reply siya pero siguro August na yon, nag-reply naman siya after a while na. Siguro nakapag-usap na sila ni Hazel,” natatawa niyang kuwento.

Ano ba ang endearing qualities na nagustuhan niya kay Sunshine?

“Naku ang dami. Ano bang hindi mo magugustuhan kay Sunshine, di ba? At saka, I respect her as a woman and as a mother. As a woman dahil alam mo, sa larangan ng industriya ng showbiz mahirap para sa babae na i-maintain mo yung respeto ng tao sa yo, di ba?” katwiran ni Macky.

Hindi rin daw naging isyu sa kanya na may tatlong anak na ang girlfriend.

“Hindi. Sobra ngang natutuwa ako dahil kahit yung mga girls niya – si Angelina, si Cheska at saka si Samantha sobrang open din sila at bait-bait din nila sa akin. Nakakatuwa. Magaan sa loob,” pahayag pa niya.

Eh, paano ba nagsimula ang panliligaw niya kay Sunshine?

We’ve bee messaging each other for a month. After that, saka lang kami nagkita ng personal. Tapos nung nagkita kami nang personal hindi pa rin kami, di ba, we’re just considered as friends, pero ang gaan kaagad ng loob namin sa isa’t isa.

That first time na nagkita kami, we hugged each other kasi parang do’n sa exchange of messages namin naging kumportable na kami. Tapos do’n na nagsimula ang lahat,” nakangiting kuwento ni Macky.