Coco Martin shares blessings with elementary students

Coco Martin, Roderick Paulate, JM De Guzman and Sarah Geronimo are thankful for their blessings this 2016

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/21/2016 8:50 AM
Coco Martin shares blessings with elementary students


122116-CocoMartin_PUSH.jpgSa TV Patrol, lubos ang pasasalamat ng mga artista sa mga blessings nila sa taong 2016. Isa na dito si Coco Martin na lubos ang pasasalamat sa tagumpay ng teleseryeng Ang Probinsyano at pelikula niya kasama si Vice Ganda na The Super Parental Guardians. Kaya naman nagshare ng blessings si Coco sa mga mag-aaral ng Paradise Farm Elementary School sa San Jose Del Monte.

Binasura na rin ng Court of Appeals ang kaso laban kay Quezon City Councilor Roderick Paulate kaugnay sa issue ng ghost employees noong 2010. Ayon kay Roderick, “I’m mitigated by the Lord. Puro pasasalamat lang po ang nasa puso ko. Hindi po ako sisira sa pangako ko sa sarili ko na magigi akong mabuting public servant sa inyo. Merry Christmas and a Happy New Year. Sana po puro pagmamahalan na lang gawin natin.”

Nagpasalamat naman ang pamilya ni JM De Guzman dahil matapos ang matagal na pananahimik, pinuri ng mga netizens ang post ni JM na isa na ngayong stage singer. May mga nakalinya na ring movie projects para kay JM.

Ayon sa report, masagana rin ang pasko ni Sarah Geronimo sa kabila ng desisyon niyang mamahinga sa kanyang career. Humataw rin si Sarah sa ABS-CBN Christmas party kung saan kinanta niya ang version niya ng “On The Floor” ni Jennifer Lopez at ang hit song niyang “Kilometro.”