• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann breaks silence on Jake Ejercito being the father of her daughter

Andi Eigenmann breaks silence on Jake Ejercito being the father of her daughter

Andi Eigenmann speaks up for the first time about Jake Ejercito being the father of her daughter

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/20/2016 10:20 AM
Andi Eigenmann breaks silence on Jake Ejercito being the father of her daughter


122016-ANDI_PUSH.jpgSa unang pagkakataon, nagsalita si Andi Eigenmann sa backstage ng kakatapos lang na ABS-CBN Christmas Special tungkol sa pinagdaraanang issue sa pagitan nila ni Jake Ejercito tungkol sa pagiging ama sa anak nila na si Ellie.

Aminado si Andi na mas pinili na lang niya ang manahimik para sa kanilang anak. Kuwento ng aktres, matagal na silang hindi nagkikita ni Jake pero aminado siya na masaya siya sa binibigay na atensiyon nito para sa kanilang anak.

"I haven’t been in touch with him the past weeks sad to say, but if he’s confortable being a dad and shouting it to the world good for him!"

Panawagan pa ni Andi para sa publikong hindi nakakaintindi sa kanyang mga naging desisyon sa buhay ay mas mabuti na iwasan na masyado ang magkumento sa intriga kahit na isa siyang public figure.

"For me naman, it’s not about the media or what the public thinks of me. It’s so impossible for them to find out on what’s exactly happening in our own personal lives even if I made a commitment as a public figure. Ang hirap naman nun. It’s easy to be misunderstood still," saad pa ng aktres.

Masaya din daw ngayon ang pakiramdam ni Andi dahil sa pagtanggap ng pamilya Ejercito sa kanilang anak ni Jake.

"Siyempre masarap sa pakiramdam na kahit di natin inasahan ang mga nangyari. Yung iniiwasan nga at na misunderstood na naman ako ng mga tao but at least now makakahinga na ako ng maayos," pagtatapos ni Andi.