• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda shares what changed between him and Kris Aquino after she left ABS-CBN

Vice Ganda shares what changed between him and Kris Aquino after she left ABS-CBN

If Vice Ganda were to ask he would still want Kris Aquino to be a Kapamilya.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

12/3/2016 1:14 AM
Vice Ganda shares what changed between him and Kris Aquino after she left ABS-CBN


120216-ViceKris_PUSH.jpgKung si Vice Ganda ang tatanungin, mas gusto pa din niyang makasama ang kanyang ‘asawa’ na si Kris Aquino sa bakuran ng ABS-CBN.

“Siyempre, lahat naman tayo, gusto natin na magkakasama, ayaw natin ng naghihiwa-hiwalay. Mas marami tayo, mas maganda kung pamilya tayo,” sabi ng “The Super Parental Guidance” star sa PEP.ph.

Since daw kasi natapos ang contract ni Kris sa Kapamilya network ay di na niya ito madalas mapuntahan.

“Sa amin, kung may nabago man, yung chances na magkita kami sa network, sa studio. Hindi katulad dati na ang dali ko siyang mapupuntahan," kwento ni Vice.

Tungkol din sa network issues ng Queen of All Media, never daw ginawang ‘tulay’ ni Kris si Vice.

“Kris never asked me to do anything or to be a bridge, wala. Actually, mag-uusap kami, maghaharutan lang kaming dalawa, masaya kami,” paliwanang niya.

“Ako naman, kung yung kaibigan ko malungkot, ayoko siyang palungkutin. Hindi rin naman kasi ako yung madaldal, pakialamera, ‘Uy, anong nangyari?’ Kung hindi siya magkukuwento, hindi rin ako magtatanong,” dagdag pa ni Vice.