Paulo Avelino and Maja Salvador reunite in new rom-com

Paulo Avelino and Maja Salvador want to explore more genres of acting.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/2/2016 10:15 AM
Paulo Avelino and Maja Salvador reunite in new rom-com


120216-MajaPaulo_PUSH.jpgMuling magsasama sina kapamilya singer-actress Maja Salvador at ang hunky actor na si Paulo Avelino para sa sa upcoming movie ng TBA productions, ang grupo na gumawa ng hit historical movie na Heneral Luna.

Mapapanuod sa pagbubukas ng 2017 ang kanilang romantic comedy film na I'm Drunk, I Love You. Excited at masayang nakapanayam ng Push.com si Maja at Paulo sa set visit nito sa isang bahay sa San Juan.

Dito naging pagbibiro ni Maja at Paulo na tanging Tootbrush na lang ang naging preparasyon sa pag-buo ng pelikulang ito dahil sa kampante at sanay na sanay na silang dalawa sa isa't isa.

Para kay Paulo, "Excited ako kasi si Maja ang katrabaho ko. Madali siyang ka trabaho, pag kasama mo siya sa set masaya lang.”

Kuwento naman ni Maja, "Magaan din kasi siya ka trabaho, masaya din kasi katrabaho yung kampante ka na sa kapareha mo para sa mga eksena. Wala na talagang hiyaan sa amin, parang magagawa mo kung anong pwede lalo na pag walang wall talaga.

Dahil pareho nagpakita ng galing sa pag-arte, aminado si Paulo at Maja na gusto pa din nila mag-explore ang ibang genre ng roles gaya ng pagpapakilig na mapapanuod sa kanilang ginagawang pelikula.

Sabi ni Paulo, "That's the one of things kung bakit kami magkasundo ni Maja. We don't want to keep branded as serious actors, that's why we keep doing this kind of film and we want to prove that we are versatile actors."

Dagdag naman ni Maja, maganda ang kanilang naging working experience sa kanilang pinagsamahang teleserye. "Kaya from the Bridges of Love maganda talagang transition ito para sa aming dalawa."

Dahil tumatakbo ang istorya ng kanilang ginagawang pelikula sa buhay ng mga young adults, aminado ang dalawa na posibleng mag explore din ang kanilang mga karakter sa mga mainit na love scenes.

Pero para kay Paulo at Maja, laking tulong ang kanilang pagiging mabuting kaibigan kung kaya wala na lang sa kanila ang mga ibibigay na maiinit na eksena ng kanilang direktor na si JP Habac.

"Kung hindi si Paulo, baka umaga pa lang siguro kabado na ako. Pero kasi si Paulo naman so ang preparation ko lang ay toothbrush at mouthwash, so kilala mo naman ang kapareha mo at alam mo na aalagaan ka at hindi ka babastusin sa bawat eksena, why not?" sabi pa ni Maja.

Pero para kay Paulo, mas okay pa din sa kanya hangga’t maari na walang love scenes, dahil nahihirapan siya dito at natatakot siya na baka hindi niya magampanan ng tama ang kanyang role.

"Ako personally takot ako gumawa ng love scenes e, not for anything, kasi siyempre baka mamaya ma offend mo ang partner mo yun lang, parang pag may love scenes,I try to be professional as possible," Pagtatapos na kuwento ni Paulo.