• Home
  • Fresh Scoops
  • Eric Quizon reacts to Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao reconciliation

Eric Quizon reacts to Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao reconciliation

Eric Quizon also shares his views on marriage.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2016 10:08 AM
Eric Quizon reacts to Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao reconciliation


120216-EricQuizon_PUSH.jpgPagkatapos magdirek ng Pasion de Amor at maging bahagi ng ilang Kapamilya shows tulad ng Ang Probinsyano at The Story of Us, focus naman ngayon sa pagdidirek ng isang travel show titled Happy Life si Eric Quizon.

Ang Happy Life ay produced ng White Lion Media Productions Inc. owned by Chavit Singson at ipapalabas na ito simula December 11, 9:30 a.m.

Ayon kay Eric, kakaibang travel show ang Happy Life dahil meron itong extra purpose. Bibigyan nila ng reward ang mapipiling pamilya, indibidwal, school o komunidad na karapatdapat at tunay na nangangailangan. Pero dadaan daw muna ang pagpili sa matinding pagsusuri.

“We primarily showcase the value of helping others with the backdrop of eye-popping destinations readily provided by the Philippines. It’s a lifestyle show a style all its own,” deskripsyon ni Eric tungkol sa format ng Happy Life.

Dagdag pa ng actor-director, “A lot of people need help in the Philippines, sobrang dami. I mean, kung matutulungan ko sila, gagawin ko kaya lang yung resources, di ba? And most of them isang kahig isang tuka, halos lahat sila ganu’n.

“Pero one thing good about Filipinos in general, even if they’re poor, even if they have nothing, they’re somehow contented with what they have, kung anong meron. At saka tayo, kahit hirap na tayo, maski wala ka at may problema ka, parang nature ng Pinoy ang tumulong,” sey pa niya.

And speaking of pagtulong, tuloy pa rin naman daw ang assistance na ibinigay nila sa mga scholars ng foundation na itinayo ng tatay niyang si Mang Dolphy.

“Nag-concentrate lang kami sa education. My dad’s foundation, we give scholarships. Meron na kaming 11. Ang hirap lang kumuha ng funding, wala nang masyadong nagdo-donate, eh.

“What we do is I try to talk to schools, schools who are willing to help. Siguro kung marami kaming funds, mas marami na kaming nabigyan ng scholarship. Wala kaming masyadong funds although we get naman somehow through yung sales ng libro ng daddy ko, yung mga ganu’n, kaya lang, hindi ganu’n kalaki,” kuwento sa Push.com.ph ni Eric.

Sinamantala na rin namin ang pagkakataon na tanungin si Eric kung ano ang reaksyon niya sa balitang nagkabalikan na sina ang stepmom niyang si Zsa Zsa Padilla at ang boyfriend nitong si Architect Conrad Onglao.

Sey ni Eric, “Happy life lang dapat tayo,” paiwas niyang pahayag sa amin.

Happy ba siya na okey na ulit ang relasyon ng dalawa?

“Hindi ba dapat sila ang tanungin mo niyan,” pag-iwas ulit niya. “If they’re happy, then I’ll be happy for them,” dagdag niya.

“Dapat sila ang tanungin n’yo kung masaya sila. I guess, nagbalikan sila, so masaya sila di ba? Kung nagkabalikan sila, at least they’re trying na maayos lahat. Let them be, pabayaan na lang natin sila,” hirit pa ni Eric.

Eh, siya ba kailan ba naman siya magse-settle down?

“Ang daddy ko nga hindi nag-settle down, eh. Hindi siya nagpakasal, he never really settled down technically. You know what, konting-konti lang sa amin ang kinasal.

“Siguro kasi, nakita namin ang daddy na ganu’n, that is why nobody believes in marriage. I’m not saying na I don’t believe in marriage, pero kung maghihiwalay din lang kay, what for? Tapos mag-a-annul kayo, ang tagal-tagal bago ma-grant yung annulment. It’s good to be in a relationship, kung masaya kayo but if it’s just going to end up like wala din, so why be in a relationship o why stick in that person? Better na rin na wala,” paliwanag pa niya.

Going back to Happy Life, ayon ulit kay Eric, mapapanood ito sa GMA News TV.