• Home
  • Fresh Scoops
  • Ellen Adarna on Baste Duterte: 'What you see is what you get'

Ellen Adarna on Baste Duterte: 'What you see is what you get'

Is Ellen Adarna hinting at a relationship with Baste Duterte?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/3/2016 1:15 AM
Ellen Adarna on Baste Duterte: 'What you see is what you get'


120216-EllenAdarna1_PUSH.jpgIpinakilala si Ellen Adarna ng alcoholic beverage na Tanduay bilang bago nilang calendar girl para sa taong 2017.

Matatandaan na dati din naging calendar girl si Ellen ng ka-kumpitensyang produkto nito na Ginebra San Miguel.

Aniya, kahit siya hindi niya inasahan na kukuhanin siya ng Tanduay mula sa Ginebra San Miguel.

"I didn't expect this coming from different brand a year after I didn't expect it at all. Parang nag cartwheel lang with back flip pa."

Kuwento ni Ellen, mahirap din ang naging experience niya sa naganap na pictorial para sa naturang calendar pero worth it pa din daw ito dahil maganda ang kinalabasan.

"Mahirap siya kasi we did twelve layouts, different set up and different looks. Mahirap siya but we did this for less that 7 hours kasi talagang magaling ang team, ang galing ng everyone behind it," kuwento ni Ellen

Dahil blooming at nag-uumapaw ang ka-sexyhan ni Ellen ng ipinakilala siya sa naturang launching, hindi na din napigilan na itanong sa kanya kung kamusta ang kanyang buhay pag-ibig.

Matatandaan na naging maugong ang balitang pagkakamabutihan ni Ellen Presidential son na si Baste Duterte.

"My personal life? Tanungin niyo na lang siya, (Baste Duterte) my personal life is basta 1+1 equals 2," sabi pa nito.

Hindi man sinagot ni Ellen ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ang tangi lang niyang sinagot ay "What you see is what you get. That's it! I'm happy and I look very happy right?" pabirong sabi ni Ellen.