• Home
  • Fresh Scoops
  • “Sunday Beauty Queen” MMFF float to represent women empowerment

“Sunday Beauty Queen” MMFF float to represent women empowerment

Directory Baby Ruth Villarama says she is proud that a documentary is chosen to be part of the Metro Manila Film Festival this year.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/19/2016 1:10 AM
“Sunday Beauty Queen” MMFF float to represent women empowerment


121916-SundayBeautyQueen_PUSH.jpgDinaluhan ng iba't ibang personalidad ang naging premiere night ng isa sa mga 2016 Metro Manila Film Festival entry na “Sunday Beauty Queen” noong December 16.

Kabilang ang mga malalapit na kaibigan, kaanak at ang mga bumubuo ng produksyon ni Direk Baby Ruth Villarama, na all out ang support para sa kauna unahang documentary film na nakapasok sa sa Film Fest.

"Masaya lang ako, not just for my film, but for the entire documentary film makers na finally may chance pala ang isang documentary film na sumali sa MMFF," kuwento ng direktor nito.

Dahil nag iisang documentary film, aminado ang dirketor nito na nakakaramdam siya ng kaunting pressure, pero ganun pa man tiwala siya na magugustuhan ng mga manunuod ang kanyang entry na sadyang inaalay niya sa bawat Pilipinong manunuod nito.

"Pressured ng konti, sana magustuhan ng ating mga kababayan kasi espesyal ito dahil kuwento ito ng ang mga Overseas Filipino Workers. Wala tayong artista pero sila naman ang bida kumabaga bawat Pilipino ay bida," sabi pa nito.

Naniniwala din daw si direk Baby Ruth na magandang simulain ito para sa kinabukasan ng pelikulang Pilipino sa mga susunod na panahon.

"Oo naman, dahil kung ang totoong buhay ay lagi natin pinapanuod, kumbaga mahilig tayo sa pelikula, ano ba naman sa atin na panuorin ang kuwento natin sa sinehan, feeling ko naman ready naman na tayo (Pilipino) na manuod ng documentary film sa big screen."

Na i-bahagi din ni Direk Baby Ruth ang theme ng kanilang float na 'women empowerment' para sa gaganaping taunang MMFF parade sa darating na December 23.

"Darating ang ating mga OFW's from Hong Kong, nag-paalam na sila sa kanilang mga amo at mayroon din kaming mga naimbita na kasama natin sa industriya at mga beauty queens, kumbaga ang theme natin is women empowerment, na naniniwala sa kapangyarihan ng kagandahan maging sino ka man lahat iniimbihatan natin," pagtatapos na kuwento ng “Sunday Beauty Queen” director.