• Home
  • Fresh Scoops
  • Senior citizens, students and PWDs get discount on MMFF tickets

Senior citizens, students and PWDs get discount on MMFF tickets

FDCP chair Liza Dino says this will encourage more people to watch this year's Metro Manila Film Fest line up.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/19/2016 1:47 AM
Senior citizens, students and PWDs get discount on MMFF tickets


121916-MMFF_PUSH.jpgGood news sa lahat ng Filipino senior citizens, mga estudyante at persons with disability (PWD) dahil mayroong 30 percent discount sa movie tickets ang Metro Manila Film Festival para sa inyo. Ito ay ayon kay Film Development Council of the Philippines chairman Liza Dino.

Ayon kay Liza, bahagi ito ng kanilang campaign para mahikayat ang mas marami natin mga kababayan na suportahan at manood ng pelikulang Tagalog lalo na ang MMFF entries ngayong taon na halos lahat ay indepemdent movies.

Kailangan lang mag present ng valid identification card sa movie house ticket booths bago bumili ng tickets para makapanood.

Inaasahan pa rin na marami ang manonood ng walong entries ng MMFF kahit marami ang nagre-react ng negatibo sa social media.

Tatakbo ang festival mula December 25, 2016 hanggang January 3, 2017. Magkakaroon din ng taunang parada ng mga entries ngayong darating sa December 23.