Pokwang gives an update on her mother's health

Pokwang and her siblings deal with their mother’s Alzheimer’s disease.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/18/2016 10:01 AM
Pokwang gives an update on her mother's health


121816-Pokwang.jpgNanatiling masaya at positibo ang komedyanteng si Pokwang sa kabila ng pagsubok na kanyang pinagdaraan tungkol sa kalusugan ng kanyang Ina na may Alzheimer's disease.

Sa kanyang pakikipagkuwentuhan sa naganap na ABS-CBN Isang pamilya tayo Christmas special, larawan ng isang matatag na anak at kapatid si Pokwang sa kanyang mga pinagdaraan sa ngayon.

“Ngayon medyo hirap na kaming suyuin siya. Pag medyo di nakakainom ng tama ng gamot niya, nagta-trantrums, alam ninyo na. Tapos di na niya talaga kami naaalala halos lahat. Kailangang bantayan mo ang pagkain kasi ayaw na niyang lumunok so malambot na lang ‘yung mga pagkain na pinapakain namin sa kaniya. Di ako puwedeng maglambut-lambutan para sa kanya. Kailangan niya kami," saad ng komedyante.

Kuwento pa ni Pokwang, naging agresibo ang naging karamdaman ng kanyang ina na mabilis na nakalimot kahit ang kanilang mga pangalan. Ganun pa man hindi sumusuko si Pokwang sa mga pinagdaraang ito.

"Ang bilis lang eh, ang bilis. Three years ago tapos heto na agad. Kaya, dose kaming magkakapatid na inalagaan niya, mahiya naman kami kung susukuan namin siya,” sabi pa nito.

"Wish ko ngayong pasko, Sana bumalik ang memory ng Nanay ko, yun na lang. Ibalik sana ‘yung ngiti kasi yung Nanay ko komikera eh. Komikera ang Nanay ko saka matapang, matatag ‘yun. Yun ang nami-miss ko saka pinagluluto niya kami.”

Isa pa sa hinihiling ngayon ng komedyante ay ang tatag at lakas para sa kanilang magkakapatid na nag aaruga sa kanilang may sakit na ina.

"Isa rin yun sa pinapanalangin naming magkakapatid. Sana bumuti na ang kalagayan ni Nanay, alam naman ng lahat na medyo may pinagdadaanan kami kay Nanay pero di kami susuko para alagaan siya.”

Labis din ang pasasalamat ni Pokwang na buo ang suporta na binibigay sa kanya ng fiancée niya na si Lee O’ Brien para sa kanya at kanyang pamilya 

"Laging nasa tabi ko siya. Very supportive siya at buong pamilya niya,” pagtatapos na kuwento ni Pokwang.