• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano says he’s fine with Jessy Mendiola’s sexy roles

Luis Manzano says he’s fine with Jessy Mendiola’s sexy roles

Luis says having actors for parents has made him more understanding of Jessy’s work as an actress.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/19/2016 2:01 AM
Luis Manzano says he’s fine with Jessy Mendiola’s sexy roles


121916-LuisJessy_PUSH.jpgHappy ang TV host na si Luis Manzano para sa Pamaskong handog nila sa kanyang programa na “Minute To Win It: Last Man Standing.”

Aabangan ngayong linggo ang game show dahil special edition ang programa kung saan mga bata ang maglalaro upang masungkit ang grand prize na 1 million pesos.

Dahil dito, excited si Luis sa magandang Pamaskong ito para sa mga bata. Labis din ang saya ni Luis dahil sa patuloy na pag angat ng ratings ng kanyang show at magandang responses ng mga viewers dito.

"Yes, excited dahil kids edition tayo ngayon for Christmas, special dahil alam naman natin na ang Pasko ay para talaga sa mga bata at siyempre salamat sa ating mga Kapamilya dahil sa mainit na pagtanggap sa ating programa gabi-gabi, kaya maraming, maraming salamat. Bonus na lang siguro ang ratings dahil napapasaya natin ang mga viewers natin," panimula ni Luis.

Positive din ang comment na ibinigay ni Luis sa kanyang rumored girlfriend na si Jessy Mendiola pagkatapos nito mapanuod ang pelikula ni Jessy na “Mano Po 7,” Aniya walang problema sa kanya ang pag papa-sexy ni Jessy dahil alam niya ang trabaho ay trabaho lang.

"Yes I was there sa premier night (Mano Po 7) siguro nasanay naman ako sa mga ganyan dahil ang mga magulang ko ay kapwa mga artista din kaya alam na natin kung ano ang trabaho ay trabaho lang," saad pa ni Luis.

All out support din si Luis dahil sa susunod na pelikula ni Jessy, ang “Extra Service,” kung saan sexy na naman ang magiging role niya dito. Pero para kay Luis, full support siya para sa aktres.

"Sabi ko nga sa kanya, okay lang, honestly mas blessed siya sa kin ngayon dahil sa mga dumarating na projects sa kanya and I'm always here to support her," pagtatapos na kwento ng “Minute to Win It” host.