Enchong Dee earns praise for his acting in ‘Mano Po 7’

Enchong Dee gives his impressions on some of the films in MMFF.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/18/2016 10:00 AM
Enchong Dee earns praise for his acting in ‘Mano Po 7’


121816-EnchongDee.jpgMarami ang nakapansin sa galing ni Enchong Dee bilang aktor sa pelikulang Mano Po 7: Chinoy. Kung saka-sakaling nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang pelikula ay malamang na ma-nominate siya for best supporting actor at baka manalo pa nga.

“Sa ibang award-giving body na lang. Baka do’n mapansin tayo, pero hindi ako umaasa,” natatawang pahayag ni Enchong pagkatapos ng premiere night ng Mano Po 7 sa SM Megamall.

“Na-nominate na ako dati for Strangers, pero hindi rin naman… hindi pinalad. Pero sa MMK, nanalo na rin naman ako sa Best Single Performance By An Actor sa PMPC Star Awards pero ang tagal na no’n.

“Pero siyempre, iba pa rin yung parangal kapag may pelikula  ka, di ba? Parang nale-legitimize yung pagiging aktor mo,” dagdag ni Enchong.

Bilang aktor, hinayaan naman daw siya ng direktor na i-interpret ang kanyang role ayon sa nararamdaman niya.

“I was given freedom kasi to improvise but at the same time, kung meron mang differences is do’n yon sa atake. Like for example, yung sa rehab scene, medyo hindi okey at hindi kami swak ni Direk Ian do’n sa delivery.

“Pero sabi ko sa kanya, ‘sige, Direk, try natin yung sa akin. ’Yung sa comedy part ng mga dialogues sa akin yon, kasi mas seryoso yung una, eh,” sey pa niya.

Samatala, nagbigay din ng reaksyon ang binata tungkol sa mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival na mapapanood simula December 25.

Sabi ni Enchong, “Nu’ng pinanood ko yung mga trailers ng mga pasok sa MMFF, ang ganda rin kasi. Yung Seklusyon, trailer pa lang nakakatakot na. Yung Saving Sally, ang ganda.

“Alam mo yon, parang nagbibigay tayo ng panibagong putahe sa mga manonood which is very nice, so I have to agree with their decision,” pagtatapos ng aktor.