• Home
  • Fresh Scoops
  • Boyband PH member Russell Reyes on meeting Liza Soberano: ‘It was quite a dream’

Boyband PH member Russell Reyes on meeting Liza Soberano: ‘It was quite a dream’

Russell Reyes recounts meeting his celebrity crush Liza Soberano

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/19/2016 2:01 AM
Boyband PH member Russell Reyes on meeting Liza Soberano: ‘It was quite a dream’


121916-RusselReyes_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, binahagi ng Boyband PH members na sina Russell Reyes, Joao Constancia, Niel Murillo, Ford Valencia at Tristan Ramirez ang estado ng kanilang buhay pag-ibig.  

NGSB o no girlfriend since birth pa diumano si Russell at hindi pa rin siya nanliligaw. “Takot, I’m too shy,” sabi ni Russell sa TV host na si Vice Ganda.  

Kahit na diumano nang pinakilala siya ng mga kaibigan niya sa mga babae ay, “I’m not really smooth so it didn't work.”

Crush din ni Russell si Kapamilya star Liza Soberano at nagulat daw siya nang tinawag siya nito minsan. Kwento niya tungkol dito, “It was quite a dream but she’s very nice. I was surprised when she called me.”

Nang tanungin kung ano ang sinabi sa kanya ni Liza, sagot ni Russell ay, “Not too much. It was just a simple introduction. I’m kind of awkward so I kind of just left.”

Kwento naman ni Joao, na ayon sa mga kagrupo niya ay pinakamagaling pagdating sa chicks, “Di ako magaling sa babae dati.”

Inamin naman ng 17-year-old na si Niel na nagkaroon na siya ng dalawang girlfriends at nasaktan na rin daw siya dati dahil sa love. “Yung crush ko hindi siya nagka-crush sa akin. Ang crush niya iba.”

Si Tristan naman ay nakaranas na rin ng sakit dahil sa pag-ibig. “Di lang nasaktan. May panahon talaga na minsan nagmamahal ka pero yung minamahal mo akala mo pinupuno mo ng pagmamahal, ampala tumatapon lang pala sa iba,” paliwanag nito.   

Ibang pain naman ang naramdaman ni Ford, nawalan diumano si Ford ng confidence bago sumali sa Pinoy Boyband Superstar dahil nanggaling siya sa maraming rejections. “Maraming beses na kasi akong nag-audition at (palaging nare-reject). Nawalan ako ng confidence. Nung nakapasa ako dito parang bumabalik.”