Sa TV Patrol, buhos ang solo projects para
sa Hashtags member na si Ronnie Alonte. Bukod sa concert sa Sabado, December
17, kasali din siya sa dalawang pelikula na kabilang sa Metro Manila Film
Festival. Ayon sa ulat, halos hindi na raw natutulog si Ronnie.
Sa kabila ng mga proyekto niya, todo suporta raw sa kanya ang mga kagrupo niya sa Hashtags. “Kahit nakikita nila na madaming projects na dumadating sa akin okay lang sa kanila. Grabe sila sumuporta sa akin.”
Special guest naman ni Ronnie sa kanyang concert si Vice Ganda.