• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre fully supports James Reid’s first solo album for 2017

Nadine Lustre fully supports James Reid’s first solo album for 2017

James Reid may possibly stage a solo concert next year.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/17/2016 8:46 AM
Nadine Lustre fully supports James Reid’s first solo album for 2017


121716-JaDine_PUSH.jpgBlooming ang real life couple na si James Reid at Nadine Lustre nang nakapanayam sila ng Push.com sa backstage ng ABS-CBN Isang Pamilya tayo Christmas Special.

Dito excited na naibahagi ni James ang kanyang ginagawang all original album na siya mismo ang nag-compose ng mga kanta.

"I am very excited. I wrote all the music. I helped produce all the music. Like I said before, music was my first love so sorry, Nadine, but it was my first love. I am very passionate about it. Almost all the songs are for Nadine, but there’s one song where she’s featured," kuwento ni James.

Dahil naging maganda ang naging simula ng JaDine nitong magtatapos na 2016, naitanong din kay James kung possible ba ang isang solo concert kasunod ng kanyang all original album na mapapakinggan sa 2017.

"Definitely. We’ll see," saad ni James.

Sa pag-explore ng couple sa kanilang mga career, kino-consider din daw si Nadine na gumawa ng kanyang solo album pero kuwento ng dalaga hindi pa niya sigurado ito dahil may mga nauna siyang proyekto.

"Actually yes po pero marami pa po akong uunahin next year so surprise na lang po kung ano yun."

Kuwento pa ni Nadine focus muna sila ni James sa kanilang prime time teleserye na Till I Met You at pagbuo ng album ni James para sa susunod na taon.

"We are focusing pa rin naman po on Till I Met You pero kami, we have plans rin naman as well. Si James, he has his album coming up next year, " pagtatapos ni Nadine.