John Lloyd Cruz will be an MMFF 2016 juror

John Lloyd Cruz reacts to Joshua Garcia being tagged as his successor.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/17/2016 8:45 AM
John Lloyd Cruz will be an MMFF 2016 juror


121716-JohnLloydCruz_PUSH.jpgSa naganap na grand press conference ng Metro Manila Film Fest 2016 para sa paghahanda nito bago ang opisyal na araw ng showing ng mga kalahok, naibahagi ng executive committee nito na magiging parte at bahagi nito ang aktor na si John Lloyd Cruz na tatayo bilang isa sa mga juror.

Sa panayam naman na ito sa aktor kamakailan, excited na ikinuwento ng aktor ang kanyang bagong gagampanan sa film fest. "I am very excited to be part of the MMFF jury this year. It’s very exciting kaya dito lang ako. I’m going to be here. Gusto ko maranasan yung Pasko na kasama yung Philippine cinema."

Sabi pa nito, kinasasabik niya na makita at mapanuod ang entry ng Star Cinema kung saan magbibida ang tinaguriang susunod sa kanyang mga yapak na si Joshua Garcia. "I can’t wait to see yung entry mula sa Star Cinema. I heard it is very popular sa selection committee pa lang. Ako hindi ko pa napapanood so I can’t really say but I am excited to see every film. Bukod sa I am duty bound, I am excited to see everything."

Nagbigay kumento din si John Lloyd tungkol sa mga nagku kumpara sa kanila ni Joshua. Ayon pa kay JL, bigyan sana ng pagkakataon ang batang aktor na bumuo at gumawa ng sarili nitong pangalan dahil may angkin itong galing na naipapakita. "Nagkasama kami sa Bacolod ni Joshua. Joshua is his own person, his own artist, his own talent. Walang makakapagpabago noon. Joshua will become his own name and Joshua will make a mark in this industry sa sarili niyang effort, sa sarili niyang paghihirap, sa sarili niyang pagmamahal sa ginagawa niya. We have to give it to the guy. Labas po tayo diyan. Definitely labas ako. Maybe I serve some kind of inspiration and I appreciate that. Sometimes it flatters me but tingin ko, ang papel ko is to encourage Joshua to become his own," pagtatapos ni JL.