• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta excited about reunion movie with Gabby Concepcion

Sharon Cuneta excited about reunion movie with Gabby Concepcion

After months of speculations, Gabby Concepcion has been tapped to be Sharon Cuneta’s leading man in her upcoming movie.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/16/2016 5:16 PM
Sharon Cuneta excited about reunion movie with Gabby Concepcion


121616-SharonGabby_PUSH.jpgMatutuloy na ang pinaka-aabangan na balik-tambalan nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa taong 2017.

Kasunod ang balita nito ang mga naglabasang larawan ng pakikipagkita ni Gabby sa mga executives ng Star Cinema nitong nagdaang December 15.

Tila naging sagot ito sa paghihintay ni Megastar sa kumpiramsyon ng Star Cinema bosses sa kaniyang maging makapareha.

"Actually pati ako naghihintay. Si tita Malou (Santos), parati niyang sasabihin ‘I’ll call you.’ Ayaw ko namang kulitin. Pero alam ko nag-usap na sila, meron na siya," kuwento ni Megastar ng huli siyang makapanayam ng Push.com sa ABS-CBN Christmas Special.

Samantala sa naging post naman ni Megastar sa kanyang public social media account, masaya din niyang ibinahagi ang mga update sa kaabang-abang na balik-tambalan na ito.

"I finally have a leading man.:-) Yes, it's really happening. EVERYONE, I AM HAPPY TO ANNOUNCE THE RETURN OF SHARON AND GABBY ON THE BIGSCREEN! SHOOTING BEGINS JANUARY 2017. TENTATIVE SHOWING MONTH:MAY2017!"

Matatandan na huling nagsama si Sharon at Gabby noong 1992 para sa pelikulang Tayong Dalawa.

Bukod sa upcoming movie, abala din si Sharon sa muli niyang pagbabalik sa music scene.

"Excited na excited po ako sa unang CD ko, sa pagbabalik ko sa recording scene. I love my first single. I know I am launching it baka sa sa January 8 in time for my birthday. Inumpisahan ko na. The single is ready na. The rest of it, itong darating na mga linggo," saad ni Sharon.

Excited din siya dahil ito ang unang beses na gagawa siya ng all original music para sa isang album.

"Kasi nagkakaroon ako ng mga CD usually mga remake, mga covers. This is the first album I’m doing in more than a decade na puro original, puro bagong kanta na original so very very excited.

Mula pelikula at bagong album, kabilang din si Mega sa muling pagbabalik ng Your Face Sounds Familiar kids edition naman kung saan makakasama niya ang bagong miyembro ng hurado nito na si Ogie Alcasid.

"Your Face Sounds Familiar Kids starting na po. We are taping it December, lalabas siya ng January. After that, hindi ko alam kung puwede na i-announce agad, wala na akong break. Back to back na, may kasunod agad na show," pagtatapos na kuwento ni Sharon.