Erik Matti gives an update on Darna movie

The director says he hopes Angel Locsin will still reprise the role of Darna.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/16/2016 6:03 PM
Erik Matti gives an update on Darna movie


121616-ErikMatti_PUSH.jpgSa press conference ng Metro Manila Film Festival 2016 entry na “Seklusyon,” present at dumalo ang direktor nito na si Erik Matti na sumagot sa matagal ng katanungan ng mga fans kung sino talaga ang gaganap sa iconic Pinoy super hero na si Darna.

Ilang malalaking pangalan ang mga naglabasan upang bigyang buhay muli ang role, pero ayon mismo sa director, siya mismo ay nahihirapan pumili kung sino ang nararapat para dito.

"Hindi ako makapili. Pero alam naman natin mula noon na si Angel talaga yun e, so hintayin na lang natin kung siya ba talaga ang i-announce ng ABS-CBN."

Kuwento pa ng direktor pressured din siya sa mga fans ni Angel Locsin na orihinal sana na gaganap at lilipad bilang si Darna.

"Kapag nakita mo ang Instagram ko, araw-araw, mag-post ka ng tungkol sa siopao, (may comment na) 'Angel for Darna.' Mag-post ka ng sunset, 'Angel for Darna' ang nasa Instagram ko kaya abangan na lang din natin," kwento ng director.

Dagdag pa niya marami na silang nagawa at na prepare para sa inaabangang pelikula na ito, kung kaya naghihintay na lamang siya ng desisyon ng network para sa muling pagbalik ni Darna.

"Marami na kaming napi-prepare. We are just waiting to start the movie. Mahaba ang preparasyon para maumpisahan."

Sa huli umaasa pa din si direk Erik na si Angel Locsin padin ang gumanap dito na matagal ng hinihiling ng mga fans.