• Home
  • Fresh Scoops
  • Blind Pinay singer Alienette Coldfire ranks third in “France has Incredible Talent”

Blind Pinay singer Alienette Coldfire ranks third in “France has Incredible Talent”

Alienette says her experience in the talent show was more than she ever expected.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/16/2016 8:46 AM
Blind Pinay singer Alienette Coldfire ranks third in “France has Incredible Talent”


121616-Alienette_PUSH.jpgSa TV Patrol, pasok sa top three sa Grand Finals ng “France has Incredible Talent” ang Pinay blind singer na si Katchry Jewel Golbin o mas nakilala sa tawag na Alienette Coldfire.

“Yung naabot ko ngayon parang it’s more than I expected,” sabi ni Alienette.

Sinabi din niya ang naramdaman niya nang mapabilang siya sa top three.

“I felt relieved na nasama na ako sa top three.”

Malaki ang pasasalamat niya sa mga kababayan sa France.

“Alam ko naman na hindi ko maabot yung naabot ko ngayon kung hindi dahil sa inyo,” sabi pa ng dalaga.

“It’s not all about how powerful your voice is ang importante yung effect nung kanta na mapi-feel din ng mga taong nakikinig sa’yo,” dagdag pa niya.

Ang winning piece ni Alienette ay ang kantang “Quand on n'a que l'amour.”

Mami-miss diumano ni Alienette ang France pero excited siyang umuwi para makasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.