Denise Laurel gives an update on her love and health issues

Denise Laurel refuses to comment about ex-boyfriend Sol Mercado.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/15/2016 10:10 AM
Denise Laurel gives an update on her love and health issues


121516-DeniseLaurel.jpgHashtag pagsubok kung ilarawan ng kapamilya actress na si Denise Laurel ang kanyang 2016. Ito ay dahil sa sunod-sunod na tila hindi magandang mga pangyayari sa kanyang buhay kalusugan at buhay pag-ibig.

Kamakailan napabalita ang pagkakaroon ng bukol-bukol sa katawan ng aktres sa iba’t-ibang parte ng katawan.

"I have cyst in my breast, lymph node, and in my ovary recently. The doctor said it's not cancerous but I still have it there." 

Paliwanag ng aktres tila ito ang epekto ng kanyang pagpapabaya sa kanyang sarili at pag-abuso sa kanyang katawan.

"It's a lot of things: not eating right, not sleeping right, not working out as much as I can, it's just about not being healthy."

Dagdag pa ni Denise sa ngayon ay pinipilit niyang baguhin ang kanyang lifestyle upang magkaroon ng healthy na pangangatawan.

"Health is a constant struggle no, hindi lang masabi na clear ka, okay ka na. Kailangan baguhin yung lifestyle mo so I'm focusing now on being healthy while working at the same time."

Isa pa sa naging matinding pagsubok na pinagdaan ng aktres ang naging hiwalayan nila ng kanyang longtime basketball player-boyfriend na si Sol Mercado. Pero ayon sa aktres ayaw na niya pag usapan at mag kuwento pa tungkol dito.

"I'm sorry I won't! No because I already gave my words na and I said just pray for us and he's wonderful person but that's all I'm going to say. Though the reason why I say that because I needed some time to be alone and everywhere ako pumunta is all about people are talking about him to me, so I just put out there just not to hurt anyone but I hope people will continue to pray for us," saad ni Denise.

Ayon pa sa aktres, nanatili pa din sa ngayon ang kanilang magagandang pagkakaibigan kahit na hindi na sila romantically involved.

"Definitely I mean it’s also to be honest weird. You know we've been together for such a long time, but I might go think that we could be friends," kuwento pa niya

Marami man pinagdaraan ngayon, positibo pa rin ang aktres dahil sa kanyang pananalig sa panalangin aniya ipinubaya na niya ang lahat sa Panginoon.

"Nako ang dami kong hini-heal katawan ko puso ko ano pa ba? No I'm just letting God kung saan niya ako dalhin dun lang ako," pagtatapos ni Denise.