• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes comments on Coco Martin and Yassi Pressman tandem

Julia Montes comments on Coco Martin and Yassi Pressman tandem

Sa tumitinding mga eksena sa highest rating kapamilya teleserye na FPJ's “Ang Probinsyano,” tumitindi din ang pagtitinginan ng mga karakter ni Cardo Dalisay at ng babaeng malapit sa puso nito na si Al

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/14/2016 4:56 PM
Julia Montes comments on Coco Martin and Yassi Pressman tandem


121416-JULIA_PUSH.jpgSa tumitinding mga eksena sa highest rating kapamilya teleserye na FPJ's “Ang Probinsyano,” tumitindi din ang pagtitinginan ng mga karakter ni Cardo Dalisay at ng babaeng malapit sa puso nito na si Alyana Arevalo, kung kaya hindi na din nakapagtataka kung maraming manunuod nito ang kinikilig sa tambalan nina Coco Martin at Yassi Pressman.

Dahil dito nagkumento naman ang napapabalitang karelasyon ni Coco Martin na si Julia Montes sa backstage ng ABS-CBN Christmas Special sa mga umuugong na usap usapan na nagkakamabutihan umano ni Yassi Pressman at Coco Martin sa tunay na buhay.

Ayon mismo kay Julia, wala siyang nakikitang masama dito dahil mabuting magkakaibigan sila at suportado pa niya ito sa nabubuong loveteam ng dalawa.

"Bagay sila … kayo naman po kasi lagi lang may issue sa inyo, Hindi wala namang issue, actually nakakatawa nga kanina pa namin pinagtatawanan ni Yassi na, uy may issue," pagbibirong kuwento ni Julia

Sinagot din ni Julia ang mga netizen na nagbibigay kahulugan sa naging Instagram post niya kamakailan na may caption na, "I just need sometime to clear my head," na halos kasabayan din ng pag popost ni Yassi ng picture nila ni Coco Martin habang nasa Dubai ang mga ito para sa isang concert doon bilang pasasalamat sa mga fans ng kanilang programa.

"Nakakaloka! naka bakasyon ako noon, nasa trabaho naman sila so wala wala talagang issue."

Dagdag pa ni Julia, "Wala lang ako mai post, ang sarap lang i-post kasi para lang reminder lang din sa iba kasi nakikita mo ang view nakikita mo ang ganda-ganda , nakikita mo din ang dami ng blessings ni Lord sa atin so ang sarap lang mag caption din at the same time sa view na nakikita mo."

Sabi pa ng aktres masaya siya ng mga araw na iyon dahil kasama niya ang kanyang pamilya na kanyang naka bonding sa kabila ng kanyang busy schedule bilang si Kara at Sarah sa afternoon soap na “Doble Kara.”

"Minsan kasi nakakalimutan ko na mayroong Julia, parang puro Kara and Sarah na yung nakakasama ko, ang sarap lang na makasama ko yung family ko noon na nasa beach nag rerelax and ako as Julia ako talaga yung nag dedecide at wala akong karakter na ginagampanan so ang sarap lang," pagtatapos na kuwento ni Julia.