• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz on Angelica Panganiban: ‘She will remain my best friend for life’

John Lloyd Cruz on Angelica Panganiban: ‘She will remain my best friend for life’

The actor also speaks up on the possibility of getting back together with Angelica.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/14/2016 11:59 PM
John Lloyd Cruz on Angelica Panganiban: ‘She will remain my best friend for life’


121416-JohnLloydCruz_PUSH.jpgHappy at looking good ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz nang ito ay makipag-kwentuhan sa media sa backstage ng ABS-CBN Christmas Special na dinaluhan ng brightest stars ng network.

Dito ibinahagi niya na kumpleto pa din ang Pasko niya kahit na wala siyang girlfriend ngayon matapos ang naging hiwalayan nila ng aktres na si Angelica Panganiban. Aniya ine-enjoy niya lang ang single life.

"It’s not about being single. It’s all about enlightenment para sa akin. It’s all about new discoveries about yourself, your life, kung ano ang gusto mangyari. You only live once and I definitely want to make the most of it. Kung ano man ang pagdadaanan nating journey, it’s all going to be worth it for sure," pahayag ng aktor.

Sabi pa ni Lloydie maganda pa rin daw at nanatili pa din ang mabuting pagkakaibigan nila ng ex-girlfriend kahit na hindi na sila romantically involved.

"If anything, siyempre we don’t want to lose the friendship. Si Angelica has been my best friend and I think she will remain my best friend for life.

Walang makakapagpabago noon," saad ni John Lloyd.

Sinagot din niya ang naging pahayag ni Angelica sa naging guesting nito kamakailan sa “Tonight With Boy Abunda” na sinabi niya na kay John Lloyd ang quality ng lalaki na gusto niyang pakasalan, na ikinatuwa naman ni John Lloyd.

"Good choice Angge. Mabigat yun ah. Any guy would be flattered especially coming from a woman like Angge. Anything beyond that, hindi ko na alam,"pagbibiro nito.

Dahil napag-usapan na ang kanyang love life, naitanong na din kay Lloydie kung posible ba ang muling pagbabalikan sa kanilang dalawa.

"I think we are going beyond our… let’s not get ahead of ourselves right now. This is not the best time to talk about that," pagtatapos nito.