• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Abalos denies rumors that it was difficult to work with Nora Aunor

Jason Abalos denies rumors that it was difficult to work with Nora Aunor

Jason Abalos considers his first MMFF movie ‘Kabisera’ a milestone in his career.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/14/2016 10:38 AM
Jason Abalos denies rumors that it was difficult to work with Nora Aunor


121416-JasonAbalos_PUSH.jpgEleven years na sa showbiz si Jason Abalos pero ngayon pa lang daw siya nagkaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival via Kabisera na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

“Isang malaking milestone ito. Kumbaga para sa akin na yung una kong pang-MMFF ay kasama ko pa ang isang Nora Aunor, di ba? Iba, eh, para sa akin ang ganu’ng experience,” masayang simula ni Jason.

Naging smooth daw naman ang syuting nila ng Kabisera, taliwas sa isyu na diumano’y unprofessional at mahirap katrabaho ang Superstar.

Aware ba siya sa isyung ito bago niya nakatrabaho si Nora?

“Wala naman. Hindi ko alam, ha, pero wala naman kaming naririnig na ganu’n tungkol sa kanya. Kaya nga masaya lang kami na nakagawa kami ng ganitong pelikula,” paglilinaw pa ng actor.

Hindi rin daw big star ang attitude na naobserbahan nila kay Nora habang katrabaho ito.

“Ang pakiramdam ko hindi siya superstar na kaharap ko. Pakiramdam ko hindi ako baguhang artista. Alam mo yon, yung parang welcome ka.

“Kaya siguro masarap siyang katrabaho dahil don… kaya siya superstar,” deskripsyon niya.

Ayon pa kay Jason, hindi lang siya ang natuwa na nakatrabaho niya si Nora.

“Ang nanay ko Noranian kaya masayang-masaya siya nung nalaman niya na gagawa ako ng pelikula kasama niya. Gusto nga niyang sumama sa premiere night para magpa-picture. Sobrang fan siya ni Miss Nora,” pag-amin niya.

Matagal din bago ulit nakagawa ng pelikula si Jason. Pero hindi raw naman siya frustrated sa nangyari sa movie career niya.

“Hindi naman,” sabi agad niya. “Thankful pa rin naman ako sa ABS-CBN kasi kahit papaano, hindi ako binabakante. Nabakante siguro ako last year pero naenjoy ko naman. Alam mo yon, may mga nagawa akong ibang bagay.”

Sa kanyang 11 years sa showbiz, ano yung maituturing niyang biggest accomplishment niya?

“Alam mo, lagi kong sinasabi ito, na yung pakikisama don sa mga taong naniniwala sa yo, ang para sa akin ay napakamahalaga. May mga artista kasi na may talent nga pero ang hirap katrabaho.

“’Yung accomplishment kasi, hindi mo masasabi yan, eh, kasi taun-taon kapag binibigyan ka ng trabaho, pinagbubuti mo naman. At kapag ganu’n yung mind set mo, lagi ka namang may naa-achieve,” sagot niya.

Idinagdag din ni Jason na ang pelikulang Endo na nagbigay sa kanya ng kauna-unahang best actor award sa Gawad Urian at sa Young Critics Choice (YCC) ang isa rin sa kanyang achievement sa showbiz.