• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla on charity outreach program by fans: ‘Masarap sa pakiramdam’

Daniel Padilla on charity outreach program by fans: ‘Masarap sa pakiramdam’

KathNiel brings love and help to Brgy. Pasong Tamo, Quezon City

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/14/2016 11:22 AM
Daniel Padilla on charity outreach program by fans: ‘Masarap sa pakiramdam’


121416-Kathniel_PUSH.jpgSa Tonight with Boy Abunda, ibinalita na naging parte sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang charity outreach program na inorganize ng kanilang fans.

Ayon sa ulat, personal nilang kinausap at binigyan ng mga regalo ang mga mamamayan sa komunidad ng Barangay Pasong Tamo, Quezon City. Nakatanggap rin ang ilan ng dental services.

Ani Daniel, “Masaya siyempre, masarap sa pakiramdam lalo na yung mismong KathNiels yung gustong gawin ito. Ang galing na ganun ang nagiging simula positive na di ba na tumutulong na sila.”

Pinaliwanag rin ni Daniel kung bakit nire-sched ang kanyang concert na dapat ay gaganapin sa February. “Kasi hindi kaya ng sched e, masyadong masikip. Mahihirapan tayo, basta matutuloy pa rin yung concert pero hindi na sa Feb kasi nga hindi kaya dahil sa pelikula, sa teleserye. Mahirap naman magbigay ng show na hindi ka handa so siyempre dapat reading-ready ka.”

Kinuwento rin ni Kathryn ang schedule nila for next year. “Blocked off yung December namin pati January for the movie, para matapos na siya agad para masimulan yung soap.” Looking forward rin si Kathryn sa pagbukas ng 2017. “I-open natin ang 2017 ng positivity and masaya lang. Marami pang mapapasaya lalo.”

Nang tanungin kung may regalo na sila para sa isa’t isa, pag-amin ni Kathryn, “wala pa talaga, may ilang araw pa naman so yun ang aayusin natin. Basta pag nagreregalo ako I make sure na yung magugustuhan ng isang tao.”

May idea rin naman si Daniel kung ano ang magugustuhan ni Kathryn. “Alam ko naman pero dapat unexpected naman ang mga regalo, para special hindi paulit-ulit.”