• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo talks about her mom’s first meeting with Gerald Anderson

Bea Alonzo talks about her mom’s first meeting with Gerald Anderson

Bea Alonzo admits she invited Gerald Anderson to a party where he met her mom.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/14/2016 11:00 AM
Bea Alonzo talks about her mom’s first meeting with Gerald Anderson


121416-BeaAlonzo_PUSH.jpgNakisaya sa taunang selebrasyon na ang ABS-CBN Christmas special ang kapamilya actress na si Bea Alonzo kasama ang iba pang artista ng kapamilya network.

Blooming at inspired ang aktres sa pakikipag kuwentuhan nito sa backstage ng naturang event. Naibahagi niya ang masayang pakikipag-bonding ni Gerald Anderson sa kanyang pamilya.

"Graduation kasi ng kapatid ko nung Friday. Since may work nun, nung Sunday lang ako nagkaroon ng time na makapag pa-party sa kanya. Ayun nag-invite siya ng mga friends niya, nag-invite din ako ng sa akin," kuwento ni Bea.

Naitanong din sa aktres kung ano ang naging reaksyon ng kanyang ina nang nakilala na nito ang kanyang espesyal na kaibigan na si Gerald Anderson.

"Okay naman siya. Si Mama naman hindi naman siya nakikialam kung ano ang ginagawa ko basta alam niya na okay ako, but she's always there to support me. She never said na 'hindi mo pwede i-date ang taong ito' hindi siya ganon," saad pa ng aktres.

Dito nilinaw din ni Bea ang mga kumakalat umanong kumpirmasyon ng kanyang ina sa social media na nagsasabing 'mag on na sila ni Gerald'.

Paliwanag ni Bea tila mga poser ang mga ito dahil wala talagang solo account sa social media ang kanyang ina.

"Nakakaloka yan! Kasi laging may poser yung nanay ko. Minsan talaga naisip ko mas sikat pa siya sa mga love teams ngayon, lagi siya talagang may poser. Si Mama hindi siya nag-social media, hindi siya marunong. Facebook lang ata tapos share pa sila mag-asawa sa isang account so hindi siya talaga ma-social media and I would like to clarify na hindi po si Mama yun," pagtatapos ni Bea.