• Home
  • Fresh Scoops
  • Solenn Heussaff reveals what she loves about Christmas in the Philippines

Solenn Heussaff reveals what she loves about Christmas in the Philippines

Solenn Heussaff shares what her family usually does every Christmas.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/13/2016 9:45 AM
Solenn Heussaff reveals what she loves about Christmas in the Philippines


121316-SolenneHeussaf_PUSH.jpgKung si Solenn Heussaff ang papipiliin, ise-celebrate niya ang kanyang bawat Pasko dito sa Pinas. Paborito ni Solenn ang noche buena sa Pilipinas at bawat Pasko, hanap niya talaga ang real holiday experience.

Pranses ang ama ni Solenn, habang ang kanyang ina naman ay isang Pinay. Nakailang Pasko na siya sa ibang bansa.

“May snow pero wala masyadong lights. ‘Yun ang gusto ko rito sa Philippines. Mahilig tayong mag-decorate. Kahit hindi pa Christmas, three months before, Christmas na agad. You hear Christmas songs on the radio. Sa bawat kanto, may Christmas lights na. You really feel the joy and spirit.”

Dagdag pa sa saya niya tuwing Pasko ay ang family bonding at exchange gift. Ang kanyang ina at ang kanyang kapatid na si Erwan ang madalas magluto tuwing noche buena ayon kay Solenn.

We always have cheese, caviar and ham. Pinaka-favorite ko ‘yung ham every Christmas,” dagdag niya.

Maraming nag-aakala na vegetarian si Solenn dahil sa fit at sexy nitong pangangatawan. Ngunit sa totoong buhay, si Solenn ay isang meat-lover at bagong endorser ng Holiday Ham by CDO Premium. Pinagsasama nito ang dalawang favorite niya – and pasko at ham.

Dahil nahihilig narin si Solenn magluto ngayon, gusto niyang matuto ng mga bagong recipe.

“Mahilig akong magluto at ako talaga ang namimili ng mga groceries ko. Never akong nagpabili sa iba. Mas maganda ang preparation kapag ikaw ang personally na pumili ng pagkain mo.” Patuloy niya, “When I’m not working, mas gusto kong magpahinga, nasa bahay lang, nagpi-paint or nagluluto. Those are the things that I enjoy doing.” Busy ngayon si Solenn sa kanyang pangalawang exhibit at sa acting career niya. Ngunit kahit pa sikat na sikat na siya ngayon bilang isang “It Girl,” real na real pa rin si Solenn. “Never akong nag-change. From day one sa showbiz, how I am or how I am sa TV, parehas lang,” ayon pa kay Solenn.