Miss Universe candidates tour Manila

Miss Universe candidates are set to tour Cebu today.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/13/2016 10:00 AM
Miss Universe candidates tour Manila


121316-MissUniverseUpdates_PUSH.jpgMaaga nagsimula ang araw ng Lunes para sa first batch ng 2016 Miss Universe candidates na nandito ngayon sa Pilipinas bilang advance na publicity para sa event at paghahanda sa main pageant na magaganap sa January 2017

Matapos ang media conference sa tanggapan ng Department of Tourism sa Makati, nag lunch ang delegates sa Manila Hotel at agd nagtungo sa Lights and Sounds Museum ng Intramuros. Dito nagkaroon sila ng crash course at walking tour ng history ng Pilipinas.

Paglabas sa venue isinakay naman sila sa TranVia inspired vehicle na medyo natagalan bago nakaalis sa dami ng fans at media na gusto sila makuhanan ng video at maka-selfie.

Ang Christmas Bazaar ng Intramuros ang sunod na destinasyon ng Miss U delegates na sinalubong ng mala fiestang tugtugan ng musikong pinoy. Dito rin nasubukan ng mga kandidata ang mga katutubong kakanin at pagkain gaya ng bibingka ar puto bumbomg at iba’t-ibang pampalamig.

Isinakay din sila sa kalesa na karamihan sa delegates ay first time nasubukan ang ganitong uri ng sasakyan.

Naging highlight ng Manila tour ng mga beauty queens ang pag aalay ng bulaklak sa Rizal Monument sa Luneta. Dito makikitang nagbigay pugay ang Miss U candidates sa ating pambansang bayani na si Dr, Jose Rizal.

Ngayong araw, naka-schedule naman para mamasyal sa Cebu ang Miss U delegates at kasama sa kanilang activity ang swimming with the Whale Sharks sa Oslob, Cebu.

121316-MissUniverseUpdates1_PUSH.jpg

121316-MissUniverseUpdates2_PUSH.jpg

121316-MissUniverseUpdates3_PUSH.jpg

121316-MissUniverseUpdates4_PUSH.jpg