Megan Young to host 2016 Miss World Coronation Night

Megan Young, Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa in a photo shoot.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/13/2016 9:58 AM
Megan Young to host 2016 Miss World Coronation Night


121316-Megan_PUSH.jpgAng 2013 Miss World na si Megan Young ang magiging host ng coronation night ng 2016 edition ng prestigious pageant.

Lilipad si Megan sa December 13 papuntang Washington DC sa USA para dito. Magaganap ang coronation ng 66th edition ng Miss World sa December 18 sa MGM National Harbor.

Si Megan ang first pinay Miss World na siya ring isa sa pinakasumikat na title holder nito. Maraming pageant experts naman ang nagsasabi na malakas ang laban ng pinay delegate na si Catriona Gray na isang Bicolana.

Sa ngayon, trending sa social media ang pictorial ni Megan kasama ang kapwa international title holders na sina Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015) at Kylie Verzosa (Miss International 2016).