• Home
  • Fresh Scoops
  • Maria Rafaela Yunon has positive comments for 2016 Miss World Philippines Catriona Gray

Maria Rafaela Yunon has positive comments for 2016 Miss World Philippines Catriona Gray

Former Miss World Philippines Maria Rafaela Yunon believes in the true beauty of the Pinay.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/13/2016 9:54 AM
Maria Rafaela Yunon has positive comments for 2016 Miss World Philippines Catriona Gray


121316-RafaPUSH.jpgAbala ngayon ang 2003 Miss World Finalist na si Maria Rafaela Yunon Belasco o mas kilalang Mafae Yunon bilang isang negosyante at bilang isang life coach na tumutulong sa mga young entrepreneurs.

Bukod sa mga young entrepreneurs, kasama din sa tinutulungan ni Mafae sa kanyang kompanyang MaFae Management ang mga young Filipina na nag-aambisyon maging beauty queen kagaya niya.

Hindi man masyadong aktibo sa mga pageant happenings si Mafae, naituloy naman niya ang kanyang sariling adbokasiya sa kanyang sariling pamamaraan ng pagtulong sa pag-abot ng mga pangarap ng mga future entrepreneurs.

"Oo naman kasi I'm giving back to what I experienced, the challenges I learned and how I overcome and moving forward and just enjoying life."

Dahil sa nalalapit na ng Miss World pageant kung saan naging opisyal siyang kandidata noong 2003, positibo at naniniwala siya para sa posibleng ikalawang korona ng Pilipinas sa Miss World kung saan lalaban ang 2016 Miss World Philippines na si Catriona Gray.

"Just be yourself and enjoy it, kasi every year there’s only one girl to represent the Philippines in prestigious pageants like Miss World. Not too much pressure although competition siya but you have to also show your best. It’s just showing yourself. If you know yourself you will represent the country well," saad ni Mafae

Dito ibinahagi din niya ang kanyang mga hindi malilimutan na personal na experience ng siya ay lumaban bilang opisyal na kandidata ng Miss World noong 2003. Kuwento pa ni Mafae kahit na isa na siyang ganap na ina, tuloy-tuloy pacdin ang komunikasyon niya sa mga kaibigan na na kanyang nakasama sa pageant.

"I think the most memorable to me is visiting every city of China every other day, because we were the first batch of Miss World to visit China and it was beautiful. I also enjoyed the friendship that I made. Miss China as well as Miss Iceland are my best friends and now we have our group chat and still keep in touch and we're all mothers now."

Dahil sa sunod-sunod ang victory ng Pilipinas sa pageant arena, naniniwala ang former beauty queen na ang true beauty ng isang pinay ang tanging sikreto kung bakit angat ang ganda ng pinay sa mga beauty pageants.

"May true beauty naman kasi tayo and then were able to express it the more beauty comes out, so yung panalo natin from different pageants I think it's the… true beauty of Filipina is really shining again," pagtatapos na kuwento ni Mafae.