• Home
  • Fresh Scoops
  • DOT and Miss Universe Organization announce ticket prices for Miss Universe coronation night

DOT and Miss Universe Organization announce ticket prices for Miss Universe coronation night

Ticket selling for the prestigious pageant will begin on December 20.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/12/2016 2:52 PM
DOT and Miss Universe Organization announce ticket prices for Miss Universe coronation night


121216-MissU_PUSH.jpgKatatapos lang ng special media conference ng Department of Tourism at ng Miss Universe Organization kasama ang first batch ng mga kandidata na nandito ngayon sa bansa.

Isa sa mga napag usapan sa question and answer portion ng media conference ay tungkol sa napapabalitang advance ticket selling para sa coronation night na magaganap sa January 30 sa Mall of Asia Arena.

"As of now wala pang tickets na for sale sa public. Magsisimula ang ticket selling sa December 20," sagot ng DOT secretary na si Wanda Teo.

Nag-announce na rin ng ticket prices para sa much awaited event. Ang VIP tickets ay nagkakahalaga ng 1000 US dollars o 50,000 pesos samantalang ang general admission tickets ay nagkakahalaga ng 160 US Dollars o 8,000 pesos.

Ilang minuto pa lang ang announcement, maraming reaksyon kaagad ang nakuha sa netizens, na karamihan ay namahalan sa ticket prices at nagsabing sa TV na lang sila manonood.