• Home
  • Fresh Scoops
  • Tourism secretary Wanda Teo reveals big demand for Miss Universe coronation tickets

Tourism secretary Wanda Teo reveals big demand for Miss Universe coronation tickets

While the tickets have yet to be released in the market, Tourism secretary Wanda Teo says there are already a lot of reservations.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/11/2016 10:01 AM
Tourism secretary Wanda Teo reveals big demand for Miss Universe coronation tickets


121116-WandaTeo_PUSH.jpgPersonal na nakilala ng Department of Tourism Secretary Wanda Teo ang first batch ng mga kandidata para sa 2016 Miss Universe Pageant na magaganap dito sa Pilipinas sa January 2017. Hindi pa man nailalagay sa market ang tickets ng Miss Universe para sa coronation night nito sa January 30, mukhang nagkakaubusan na ngayon pa lang.

"Actually nagkakaubusan na. Wala pang presyo pero marami na ang nagpapa reserve. Yan ang problema namin. Yung sa ibaba almost wala na. The tickets will be available soon. Inaayos na namin ang lahat."

Sa sampung Miss Universe delegates na nakilala ni Secretary Teo, aminado siya na may umangat kaagad sa kagandahan nito.

"Maganda si Miss Vietnam pero siyempre iba pa rin si Miss Philippines. Lahat naman sila magaganda wala ako masabi."

At first time naganap sa history ng Miss Universe na may advance batch ng candidates para mag drum up ng publicity sa prestigious pageant na malaki ang maitutulong sa Pilipinas. 

"We want to let the people know na were here and we are ready. Mahirap kasi yung pagdating nila tsaka pa lang tayo ano at least ngayon prepared tayo." pagtatapos ni Teo.